Tuesday, January 19, 2021

Ellen at Derek, ‘Walang Malisya’ ang Pagkakalapit sa Isa’t-isa: Ellen, Nabuking na Nasa Bahay Ulit ni Derek!


Kamakailan lang ay mainit na pinag-usapan sa social media ang umano’y ‘walang malisya’ na kasiyahan nina Ellen Adarna, Ruffa Gutierez, at Derek Ramsay sa bahay ng huli. 

Dito, kita ang masayang gabi ng tatlo kung saan, sa isa pa nga sa mga video na ibinahagi ni Ruffa ay kita ang animo’y pagkakamabutihan nina Derek at Ellen. Ngunit, agad itong binasag ni Ruffa at sinabing wala itong malisya at pawang nagkakasayahan lamang sila.

“This will be a very interesting evening,” ani pa ulit ni Ruffa sa isa sa mga videos ng gabing iyon na kanyang ibinahagi.

Sa mga kuha niyang ito, kita ang kanilang kasiyahan tulad ng pagkakantahan, pagbibiruan, at masayang bonding ng mga ito sa bahay ng aktor. Sa isa pa nga sa mga larawan ay isinaad ni Ruffa na close na umano si Ellen sa ama ni Derek.

Patuloy din na pabirong tinutukso ni Ruffa sina Ellen at Derek na animo’y nakikisakay din sa mga panunukosng ito sa kanila. Sa isa sa mga video pa nga, maririnig na nagpalitan ng ‘I love you’ sina Ruffa at Ellen ngunit, isinaad dito ni Ellen na mayroon umano siyang mas mahal.

Bagama’t mayroon pang ibang mga kasama ang tatlo sa naturang kasiyahan gaya na lamang ng co-star ni Ellen sa kanyang bagong proyekto na si John Estarada, hindi pa rin maiwasan na matuon ang atensyon ng marami sa social media sa mga video clips na ito kung saan makikita sina Derek at Ellen.


Kaya naman, dahil sa mga ito ay hindi maiwasan ng maraming mga netizen na maintriga sa kung ano umano ang mayroon sa pagitan nina Derek at Ellen na higit pa sa pagiging magkaibigan. Tanong ngayon ng mga ito, nagkakamabutihan na nga ba umano ang dalawa?

Parehong single at walang napapabalitang bagong karelasyon ngayon sina Derek at Ellen kaya kung mayroon mang namamagitan sa mga ito, ayon sa marami ay wala umano itong problema. Gayunpaman, iginiit ng mga ito na wala ngang malisya ang sa kanilang dalawa at talagang magkapitbahay lang rin sila.

Ngunit, kamakailan lamang ulit matapos magviral tungkol dito ay nabuking na naman si Ellen na nasa bahay ng aktor. Ito ay habang nasa isang panayam ang aktres tungkol sa kanyang bagong sitcom kung saan, kasama nga nito si John.

Sa isang panayam nito ng mamamahayag na si MJ Marfori na malapit kay Derek, agad napansin ni MJ na pamilyar ang lugar kung nasaan si Ellen habang ginaganap ang kanilang Live virtual interview.

Kaya naman, naitanong nito kay Ellen kung nasaan umano ito at hindi naman makapaniwala si Ellen na nabuking siya na nasa bahay ulit siya ng aktor. Kaya naman, mas dumagdag na naman ang mga spekulasyon tungkol sa dalawa.

“At dahil siyempre friend din namin siya [Derek], napakapamilyar ng background mo, Ellen. Nasa bahay ka ba ni Derek? Sobrang obvious yung ceiling diyan, sa may pool area ‘yan ni Derek,” tanong pa nga ni MJ kay Ellen.

“Oh my God! Masyado bang obvious? E, magkapitbahay lang kami, di ba?

“Derek, mag-hi ka na lang daw kasi nabuking na ako na nandito ako sa bahay mo… 


“Ang dami kaya namin dito, hindi lang ako. Ano ba? Gusto niyo makita? Maraming tao dito, hindi lang ako,” ang di makapaniwalang pag-amin pa rito ni Ellen.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment