Wednesday, January 20, 2021

Nanay ni Bea Alonzo, Sinagot ang Tanong Kung Sino ang Pinakaayaw Niyang Naging Boyfriend ng Anak


Animo’y hindi maipinta ang mukha ng ina ni Bea Alonzo nang tanungin ito tungkol sa umanoy pinaka-ayaw niyang naging karelasyon ng aktres. Maraming mga netizen naman ang natawa sa reaksyon na ito ni Mary Ann Ranollo na animo’y nastress sa ibinatong tanong sa kanya.

Ikinatuwa ng maraming mga netizen lalo na ng mga tagasuporta ng aktres ang paglabas ng kanyang ina sa isa nitong vlog kung saan, gumawa sila ng isang mukbang video habang sinasagot ang ilang mga katanungan para kay Mary Ann.

Isa nga sa pinakamainit na tanong na kailangang sagutin ni Mary Ann ay ang tanong tungkol sa kung sino sa mga dating naging boyfriend ni Bea ang pinaka-ayaw raw nito.

“Sino ang pinaka-ayaw mong ex ko?” tanong pa rito ni Bea sa kanyang mama.

“Oh my God! Tinatanong pa ba yan?” ang hindi naman makapaniwalang sagot dito ni Mary Ann na talaga namang nastress sa tanong anak.

Gayunpaman, kahit animo’y ‘nastress’ si Mary Ann sa tanong ni Bea ay mas pinili nitong huwag pangalanan kung sino nga ang pinaka-ayaw niyang nakarelasyon ni Bea dahil ani pa nito, alam na umano ng mga manonood kung sino ang kanyang tinutukoy.


“Jusko ayoko na lang magsalita. Pero wag niyo nang itanong, alam niyo na…  Next question, please,” may pagdidiing saad pa nga rito ni Mary Ann.

Dito, naitanong din kay Mary Ann kung ano umano ang mga katangian na gusto niyang taglayin ng mapapangasawa ni Bea. Sagot naman dito ng ina ng aktres,

“Maging mabait lang, maging totoo, at wag babaero! Please…”

Samantala, naibahagi rin dito ni Mary Ann kung kailan ito naging sobrang proud sa kanyang anak. Ani niya rito, ito umano ay noong naging artista na si Bea at nagkaroon ito ng mga pelikula. Dagdag kwento pa nga ni Bea, hindi pa raw makapaniwala noon ang kanyang mama na talagang isa na siyang artista.

“Since naging artista ka, siyempre, proud na proud ako ‘pag nakikita kita sa pelikula, sa TV. Diba, parang ako ‘yung maganda,” pagbabhagi naman ni Mary Ann.

Ngunit nang matanong naman kung kailan ito pinaka nadismaya sa anak, diretsahan ang naging sagot dito ni Mary Ann. Ani nito rito,

“Pag pumapayag kang niloloko ka. ‘Pag nagpapaloko ka. Ganun!”

Gayunpaman, ayon kay Mary Ann ay pangarap niya umano para ay Bea na makapag-asawa na umano ito. Ani nito, sana raw ‘soon’ ay makapag-asawa na ang aktres ng maayos na lalaki at magkapamilya na rin.


Ang makitang maayos at pamilyado na ang kanyang dalawang anak, lalo na si Bea, ang umano’y pangarap ngayon sa buhay ni Mary Ann. Payo pa nga nito kay Bea tungkol sa pag-ibig, sana raw ay natuto na ang aktres at alagaan din daw ni Bea ang sarili nito.

“Funny how much you can learn about yourself just by asking your mom random questions. It’s as if you’re looking at yourself in the mirror; no sugar coating, no non-sense, no bullsh*t,” pagbabahagi naman ni Bea tungkol sa vlog niyang ito kasama ang ina.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment