Marami na ngayon ang gumagamit ng online banking dahil maliban sa napapadali nito ang transakyon nang hindi na kailangan pang pumunta sa bangko, ito rin ang naging mas praktikal na paraan para sa marami lalo na ngayon na mayroong pandemya at delikado ang lumabas.
Ngunit, sa kabila ng iba’t-ibang mga paalala na dapat ay mag-doble ingat ang lahat sa online banking upang makaiwas sa mga manloloko online o sa mga scammer, mayroon pa ring iba na nabibiktima nito.
Katulad na lamang nang naging karanasan ito ng netizen na si Katrina kung saan, ibinahagi nito kamakailan lang sa Facebook ang umano’y pagkawala ng pera sa bank account ng kanyang tatay sa isang iglap lamang.
Pagbabahagi ng netizen, nang dahil umano sa isang email na animo’y parang totoong nanggaling sa bangko kaya nabiktima ng panloloko ang kanyang tatay.
“Today, someone we don’t know stole ALL my father’s money from his Bank Account,” ani pa nito.
Ayon kay Katrina, bandang alas 5:00 umano ng umaga nang may matanggap na isang email ang kanyang tatay kung saan, sinasabi nito na ‘disabled’ na raw ang bank account nito. Para maibalik ang umano’y ‘disabled’ nitong bank account, pinapa-click rito ang isang nakasulat na ‘reactivate account’ ngunit, matapos itong i-click ng kanyang tatay ay nawala na lamang na parang bula ang lahat ng pera sa kanyang bank account.
“Early this morning, 5 AM, may nagsend ng Email kay papa from a sudden Metrobank account. Disabled na daw ang account ni papa kaya kailangan maretrieve, kaya clinick ni papa ‘yung 'Reactivate Account' (hindi naman techie techie si papa kaya click nya)...
“Mga bandang 8 AM, bigla nalang may UNAUTHORIZED TRANSACTION sa cellphone ni papa na 'Succesfull Transaction' na daw. Kaya agad ko chineck ‘yung account niya, tapos BOOM. Ubos ang laman,” pagbabahagi pa ni Katrina.
Dahil sa nangyaring ito kaya agad na nagpunta ang netizen sa nasabing bangko at ine-report ang nangyari. Dito, napag-alaman nila ang pangalan ng umano’y nang-scam at gumawa ng transaksyon ng pagnanakaw sa pera ng kanyang tatay.
Ito umano ay isang nagngangalang JEFFREY ESGUERRA na ang gamit pa sa paggawa ng transaksyon ay isang iPhone 12. Kaya naman, nananawagan ngayon ang netizen sa naturang tao na ibalik ang perang ninakaw nito sa kanyang tatay. Malaki ang panghihinayang nito sa nangyari lalo na’t pera na pinaghirapan ng kanyang tatay ang nawala.
“Nireport namin agad sa Metrobank at nagpunta mismo sa bangko. Isang JEFFREY ESGUERRA using an IPHONE 12 na nagmamay-ari ng UNIONBANK account ang natransferan….
“IBALIK NIYO ANG PERA, HINDI NYO PINAGHIRAPAN ‘YAN. PINAGHIRAPAN NIYA YAN KAKALINIS NG AIRCON AT KAKAREPAIR. MAKE YOUR OWN MONEY,” saad pa nga ulit dito ng netizen.
Kaya naman, para maiwasan na mangyari rin ang parehong panloloko sa iba, minabuti ni Katrina na ibahagi ito sa publiko at nang makaiwas ang mga ito sa mga taong mapagsamantala. Hindi biro ang mawalan o manakawan ng pera nang ganun-ganun lamang lalo na’t pinaghirapan at pinagsikapan itong maipon.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment