Talagang likas na sa katangian ng mga Pilipino ang pagiging malikhain. Hindi na nga mabilang kung ilang beses na itong napatunayan ng mga Pilipino sa iba’t-ibang larangan na talaga namang maipagmamalaki ng bansa sa mundo.
Kaugnay nito, isa na namang pagpapamalas ng kakaibang katangian na ito ng isang Pinoy ang naging viral kamakailan lang. Sa gitna ng kalsada, isang patunay sa pagiging malikhain ng mga Pilipino ang nasaksihan ng isang netizen.
Ayon sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Gerald Bayan sa kanyang viral Facebook post, aakalain mong isa lamang ordinaryong kotse ang kinunan nito ng larawan ngunit, kung titingnan mo ang likod ng naturang sasakyan ay mamangha na lamang ang kahit sino sa kanilang makikita.
Hindi kasi ito ang tipikal na kotse na tago ang makinang ginagamit. Sa naturang mga larawan na nakunan sa Angeles City, makikita na isang motorsiklo ang nasa likuran ng naturang kotse na siyang animo’y nagsisilbi nitong makina. Astig, di ba?
“Bumili lang ako ng diaper tapos ito pa nakita ko sa labas,, OTJ x De Atras (Rusi),” pabirong saad pa ng netizen tungkol sa nakita niyang kakaibang sasakyan.
Sa unang tingin, aakalain ng sinuman na isang tunay na kotse ang minamaneho na naturang sasakyan ngunit, espesyal pa kaysa isang kotse ang gawang Pinoy na ito na gawa ng isang malikhaing kamay.
Maraming mga netizen naman ang agad din na nagbahagi ng kanilang pagkamangha sa naturang sasakyan at nagkaroon pa ng ideya na gumawa rin ng kapareha nito. Sa maraming mga lugar sa bansa lalo na sa mga probinsya, hindi na bago ang paglalagay ng ‘sidecar’ sa mga motorsiklo ngunit, hindi ang katulad nito na nasa unahan at mistulang kotse na ang naging resulta ng sidecar at motorsiklo.
Komento pa nga tungkol dito ng ilang mga netizen:
“Ang taba ng utak nito promise!!”
“Ang angas naman n’yan hahahaha.”
“Ang galing naman ng nakaisip nito.”
Maraming mga netizen din ang agad naintriga kung sino ang nasa likod ng malikhaing gawa na ito. Ngunit, hindi rin maisaad ng nagbahagi ng Facebook post kung sino ang may-ari ng naturang sasakyan dahil nga natyempohan niya lang din ito sa kalsada.
Gayunpaman, di maikakaila na marami sa mga netizen na nakakita sa Facebook post ang na-inspire na gumawa rin ng sarili nilang bersyon ng naturang sasakyan. Karamihan sa mga ito ang desidido na gumawa rin ng sarili nila lalo na’t karamihan ay motorsiklo lamang din ang gamit na transportasyon sa araw-araw.
“Basta gawang Pinoy, malupet men!” ani pa nga ulit tungkol dito ng isa pang netizen.
Sa kasalukuyan, ang naturang viral Facebook post ni Bayan ay umani na ng mahigit sa limang libong reaksyon lang naman na karamihan ay pagkamangha mula sa mga netizen.
Samantala, ang nakakalap naman nitong shares ay umabot na ng 26,000 lang naman habang ang mga komento ay daan-daan na rin ang bilang. Habang tumatagal ay patuloy din na dumarami ang bilang ng mga ito at patuloy din na nakapagbibigay inspirasyon ang post na ito sa maraming mga netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment