Friday, January 15, 2021

MMK, Binatikos Matapos Gumamit ng Muslim Prayer Mat sa Isang Eksena sa Programa


Umani kamakailan lang ng pambabatikos sa social media ang programang MMK (Maalaala Mo Kaya) ng ABS-CBN matapos na gumamit umano ito ng sojada/sajadan o Muslim prayer mat bilang doormat sa isang eksena sa kanilang palabas.

Ito ay matapos na magbahagi ang isang netizen ng isang screenshot ng naturang eksena kung saan, makikitang ginamit nga ang prayer mat ng mga Muslim bilang doormat. Sa naturang screenshot, inihayag ng naturang netizen ang kanyang pagkadismaya dahil umano sa kawalan ng respeto ng programa sa mga Muslim.

“Na curious lang ako sa sinabi ng pinsan ko about sa episode ng MMK last night, ginawa daw nilang doormat ang sajadan/prayer mat. So pinanood ko sa YouTube. Totoo nga. [sad emoji] Hindi ako nagpapaka religious ah. Napansin ko lang din [sad emoji],” ani pa nga ng naturang netizen.

Ang tinutukoy nila ditong eksena ay sa MMK episode kung saan, inilahad nito ang kwentong buhay ni JC Alcantara. Sa naturang screenshot, makikita pa dito si Alcantara na ginagamit ang doormat na isang Muslim prayer mat.

Dahil sa pahayag ng naturang netizen ay agad din na naglahad ng kanilang pagkadismaya ang iba pa sa social media kung saan, kinondena ng mga ito ang umano’y kawalan ng respeto ng programa at TV Network na ABS-CBN sa mga Muslim. Karamihan sa mga ito ay ang mga kababayan nating Muslim na hindi napigilan ang kanilang pagkakadismaya.


Heto nga ang ilan sa pahayag ng mga netizens na ito:

“The amount of disrespect to this picture. ABS-CBN, nakita po ‘yan Sa MMK. Palabas n’yo ho tapos po ‘yan pong tinatapak-tapak n’yo po ay Prayer Mat po ‘yan sa aming mga Muslims. Iyan po ginagamit namin sa tuwing magsisimba kami…”

“I am so disappointed at this moment! We Muslim uses sudjada when we are praying. This is something na important samin. It’s really sad na makikita mo sa isang series ng MMK that they used it as a decor lang, ang malala door mat pa. This is so insensitive and disrespectful”

“MMK using Muslim Prayer mat as doormat in one of their episode. They are either grossly ignorant or highly disrespectful of the Muslims.”

“ABS-CBN should hold themselves accountable for using the Muslim prayer mat as floormat on last night's MMK. JC Alcantara, that was your episode so perhaps you can aid the public in extracting an explanation from it bc it's downright disrespectful.”

Kaugnay nito, dahil sa kabi-kabilang pagkondenang ito sa social media ay agad na naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito ang MMK. 

Inilabas nila ito nitong umaga ng Enero 11 kung saan, nakasaad na inaamin ng programa na mali ang paggamit nila ng Muslim prayer mat sa naturang eksena at humihingi sila ng tawad para rito.


“MMK expresses deep regrets for a scene in last Saturday’s episode that may have offended its Muslim viewers. It was an honest mistake and we offer no excuse for this lapse in production. We thank our viewers for the feedback and promise to do better.”

Source: twitter

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment