Sa edad na 80, nagpapahinga at inaalagaan na lamang sana si tatay Lauro ngunit, araw-araw ay naglalakad ito ng 20 kilometro para lamang maghanapbuhay. Kaya naman, maraming mga netizen ang naantig sa kwento ng buhay nito nang minsan itong nagtrending sa social media.
Araw-araw, bitbit ang kanyang panindang bagoong ay inilalako ito ni tatay Lauro mula sa kanyang tahanan sa Bitukang Manok sa Pandi, Bulacan. Upang makabenta ay umaabot ito nang paglalakad hanggang sa Real Cacarong sa Pandi, Bulacan.
Lahat ng mahabang paglalakad at pagbebenta ay ginagawa ni tatay Lauro para lamang sa kitang Php50 kada araw. Ito lamang ang halaga na nakukuha nito sa pagbebenta ng isang balde ng bagoong. Kaya naman, sa liit nito ay kailangang magsikap palagi ni tatay Lauro sa pagbebenta upang makaubos ng bagoong sa ganoong halaga ng pera.
Dahil hindi agad nauubos at madali lamang na nabibili sa mga pamilihan ang bagoong, kailangang magdoble sikap ni tatay Lauro upang maibenta araw-araw ang kanyang paninda. Sa halagang Php50 na araw-araw niyang kita, mas pinipili nito na maglakad na lamang dahil malaki na para rito ang mababawas na pera para sana sa pamasahe nito sa jeep.
Sa halagang Php50, nakapag-uuwi na si tatay Lauro ng bigas at ulam na ilang piraso ng isda para sa kanyang pamilya na kakainin nila sa naturang araw. Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan pa rin nitong magtrabaho sa kabila ng kanyang edad.
Kaya naman, bagama’t marami ang humanga sa kasipagan at pagpupursige pa ring ito ni tatay Lauro sa buhay sa kabila ng kanyang edad na nasa 80 na, hindi rin maiwasan na marami ang maawa sa kanyang kondisyon dahil hindi na ito dapat nagtatrabaho pa. Inaalagaan na lamang sana ito at hindi na nagbabanat ng buto ngunit, heto si tatay Lauro at araw-araw pa ring nilalakad ang layo na 20 kilometro.
Ani ng mga netizen, sana raw ay mayroong tumulong dito at nang magkaroon si tatay Lauro na mas komportableng buhay. Sana raw ay maging mas mabuti na ang buhay nito at mabigyan naman ito ng pagkakataon na makapagpahinga at huwag nang problemahin ang kahirapan.
Samantala, ayon naman sa ilan, ang paglalako umanong ito ni tatay Lauro ay ay isang paraan din naman ng pag-eehersisyo kaya marahil kahit matanda na ito ay malakas pa rin at masigla. Kapag sanay raw kasi sa trabaho ang isang tao, hindi ito basta-basta humihinto dahil nakasanayan na ito ng kanilang katawan. Gayunpaman, mas mabuti pa rin umano para rito na kahit paano ay magkaroon ng pahinga.
Heto nga ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen tungkol sa kwento ni tatay Lauro:
“Ito dapat ang tinitignan o pinagtutuunan ng pansin ng mga senador o nakaupo sa gobyerno!!! Dapat ‘yung mga senior citizen, stay home nalang at bibigyan nalang ng gobyerno ng financial assistance tulad sa ibang bansa!!!”
“Kawawa naman si tatay, hindi na siya dapat maglako ng mga paninda. Kung may mga anak man siya, sana sila nalang ang maghanap buhay para sa magulang nila.”
“Pag sanay talaga magbanat ng buto, hindi basta-basta titigil maghanapbuhay… Mas lalo kasi nanghihina at nagkakasakit ang mga masisipag maghanapbuhay kapag nakatambay lang at walang ginagawa.”
“Masipag lang talaga si tatay. Ganyan kasi ang mga tatay, ayaw paawat kasi lalo lang sila magkakasakit kapag nagstay sa bahay.”
Source: rachfeed
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment