Tuesday, February 9, 2021

Ez Mil, Gustong Ideklarang ‘Persona Non Grata’ ng Mayor ng Lapu-Lapu City Matapos ang Kontrobersiyal na Lyrics ng Kanyang Kantang Panalo

Nakatakda umanong imungkahi ni Lapu-Lapu City Mayor Ahong Chan sa kanilang city council na ideklarang ‘persona non grata’ ang viral Fil-Am rapper na si Ez Mil dahil sa pag-iiba raw nito sa lyrics ng kanyang kanta tungkol sa bayaning si Lapulapu.

Ayon kay Chan, nakarandam daw siya ng galit dahil bast-basta na lamang daw na ginawa ni Ez Mil ang lyrics na hindi naman tama para lamang sumikat . Isa umano itong malaking pang-iinsulto sa bayani. Saad pa nga nito sa Cebuano,

“Nasuko ko, naglagot ko. Nagpataka lang siya himo og istorya. Unsa man nang iyaha, bahala og sayop basta kay aron siya mosikat? Dako’ng bugal-bugal ang iyang gihimo sa atong hero nga angay natong respetaran, dili bugal-bugalan.”

Sa ipapasang resolusyon tungkol dito, maglalaman ito ng pagkondena sa pag-iba ni Ez Mil sa pagpapahayag kung paano pinatay ng bayaning si Lapulapu si Magellan. Ipag-uutos din nito na humingi ng tawad si Ez Mil sa Lapu-Lapu City at sa mga residente nito na hindi nagustuhan ang ginawa niyang pag-iba ng kasyasayan sa kanyang lyrics.

Agad na naging viral si Ez Mil dahil sa kanta nitong ‘Panalo’ na umani ng iba’t-ibang mga papuri mula sa mga Pilipino. Ngunit, matapos naman nito ay muli ring nagviral ang rapper dahil sa naturang lyrics na napansin ng marami tungkol kay Lapulapu. Sa naturang kanta kasi, marami ang umalma sa lyrics na ‘pinugutan si Lapu ni Mactan’ dahil hindi umano ito tama ayon sa kasaysayan.

Samantala, bagama’t humingi na ng tawad tungkol dito si Ezekiel Miller, totoong pangalan ni Ez Mil, inihayag nito na hindi siya gagawa ng ‘correct version’ ng kanyang kanta. Paliwanag pa nito,

“I do not intend to have a corrected version of the song, because I feel like that’s ruining the integrity that I had within recording it, but it was, you know… It blew up because it made people talk, and I will let it stay that way,”

“I’m sorry to anybody who was offended with the fact that me being putting inaccurate sources in our history as Filipinos.”

Ayon kay Ez Mil, ang pagpili niya ng naturang lyrics ay base lamang umano sa kung paano ito babagay sa kanta at ang mensahe na nais nitong iparating. Pinagpilian umano nito kung ang ‘absolute truth’ o ang ‘exaggerated’ na lyrics ang kanyang gagamitin bilang estratehiya na rin sa kanyang kanta. Ani pa nito,

“Why I chose the term, ‘Pinugutan si Lapu sa Mactan’ (is) because in terms of the rhyming pattern, I always go to this dilemma or doubt in my head in closing out a song. Am I gonna close it out with absolute truth or am I gonna make people talk about it? It’s like me weighing off the options,” 

“That’s me putting an exaggerated term in a ploy to drive traffic and talk. It’s inaccurate but he still died. He’s dead right now. It’s not overall factual in a way but still like… The thing that is factual is that whenever he did die, people were still saddened. That’s just me twisting how things were… 

“That’s why the song is what it is right now. The way I wrote that got people talking. Got people agreeing to it. Got people disagreeing, got people in the in-betweens. The way it is now, people are talking about it. I got to be smart about it.”

Samantala, wala umanong opisyal na rekord sa kasaysayan na nagaasabi kung paano eksaktong pinatay ni Lapulapu si Magellan. 

Source: latestchika


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment