Monday, February 8, 2021

WATCH: Sinu-sino ang mga Lalaking Jojowain o Totropahin ni Kris Aquino?


Nakisali na rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa Jojowain o Totropahin Challenge sa social media kung saan, sasagutin ng mga ito kung jojowain o magiging tropa lamang nila ang pangalang babanggitin sa mga ito.

Nanguna naman sa listahan ng mga lalaking ito sa Jojowain o Totropahin Challenge kay Kris ay si Piolo Pascual na walang pag-aalinlangang sinagot nito ng Jojowain. Ani pa tungkol dito ng host, 

“Without a doubt talaga, jojowain ko siya… Pakikisamahan ko buong pamilya mo, your mom likes me ‘coz your mom likes my mom.”

Jojowain din ang naging sagot ni Kris nang mabanggit naman dito ang aktor na si Alden Richards. Ayon kasi kay Kris, bukod sa cute umano ang aktor dahil sa dinples nito ay makinis din umano si Alden. Paliwanag niya pa nga rito,

“Wala ito sa edad ha, jojowain because of Hello, Love, Goodbye (pelikula nila ni Kathryn Bernardo). Saka ang cute ng dimples niya at ang kinis niya, kasing kinis ko siya. Ay talagang kinompare ang sarili kay Alden, oh.”


Pareho ring Jojowain ang naging sagot ni Kris para kina John Lloyd Cruz at Empoy Marquez. Ayon kay Kris, gusto raw nito ang pagiging ‘generous’ ni John Lloyd bukod pa sa pagiging ‘Year of the Pig’ raw nito kagaya niya at ng mga anak niyang sina Bimby at Josh. Samantala, gusto niya naman umano si Empoy dahil napapatawa siya nito at dahil sa pagiging magaan nitong kasama. Dahil umano sa bait ni Empoy ay Jojowain ang sagot niya para rito.

Ngunit, Totropahin lamang ang naging sagot ni Kris para kay Coco Martin dahil ani nito tungkol kay Coco, “Tropa kasi generous siya sa tropa niya. Maalaga siya sa tropa niya, so totropahin ko siya… Nu’ng nakatrabaho ko siya, (Kung Tayo’y Magkakalayo 2010) binigyan niya ako ng Orlina (sculpture) take note pink. Tropa palang ‘yan, ha. He has taste, yes tropa.”

Totropahin lang din ang naging sagot ni Kris para kay Gabby Concepcion dahil ayon dito, takot daw ito sa aktor dahil naniniwala siyang kung hindi ito naging lalaki ay siguradong mas maganda pa ito sa kanya. 

“Totropahin kasi takot ako sa mas maganda sa akin. He’s not handsome, eh, he’s beautiful… ‘Yung mukha niya beautiful, eh, kasi ‘yung kutis, ‘yung lips, ‘yung nose, ‘yung mata. Kung naging babae ‘yan, Miss Universe ‘yan! Pag magkatabi kami sa picture hindi ka na mapapansin, ayaw ko, gusto ko pansinin ako,” saad pa dito ni Kris.

Totropahin lang din umano ni Kris si Sen. Antonio Trillanes dahil ayaw niya na raw dumalaw sa kulongan kagaya ng madalas niyang maranasan noong bata pa siya. Samantala, gustuhin niya man umanong jowain si Mayor Vico Sotto, Totropahin na lamang umano dahil baka masita lamang daw ito dahil sa kanyang ka-artehan.

Nang si Willie Revillame naman ang pangalan na mabanggit dito, Jojowain din ang naging sagot ni Kris dahil katwiran niya rito, di na raw ito big deal dahil kilala niya na umano ang aktor at alam niya na kung anong klaseng tao ito. May pera man umano ito ay may pera din naman siya at naniniwala din ito na aalagaan nito ng maayos sina Bimby at Josh.

Jojowain din para kay Kris si Raffy Tulfo dahil sa parehong hilig daw nila sa sapatos. Samantala, mahaba-habang paliwanagan naman ang inilahad ni Kris nang sinabi nitong Jojowain para sa kanya si Sen. Bong Go. Bukod daw kasi sa maayos nitong pagtrato sa kanila, makinis din daw kasi ang senador na siya namang gustong-gusto ni Kris.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment