Kamakailan lang, sa Twitter ay naging trending si Liza Soberano matapos nitong maglabas ng pahayag tungkol sa poster ng pelikulang ‘Tililing’ kung saan, hindi naging maganda ang dating para rito. Umaasa umano si Soberano na magiging maayos ang pagpapahayag ng pelikula tungkol sa usapin ng mental health na hindi katulad ng poster nito na ‘is a no’ para sa aktres.
“Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma,” ani pa rito ni Soberano.
Bilang tugon naman sa pahayag na ito ng aktres ay naglabas din ng kanyang sentimento ang writer at direktor ng pelikula na si Darryl Yap sa FB page na VinCentiments. Dito, ayon kay Yap ay hindi niya raw bibiguin ang aktres sa pagpapahayag nila ng wastong kaalaman sa usapin ng mental health.
Dagdag ani pa nito, tiwala raw sila sa kanilang mga artista at sa direktor. Sinigurado niya rin dito na kaisa sila ng aktres sa adbokasiya ng pagpaplaganap ng wastong kaalaman tungkol sa mental health. Saad pa nito sa kanyang pahayag,
“Sa iyo Miss Liza Soberano… Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang, HINDI KA NAMIN BIBIGUIN.
“Ang aking mga artista sa pelikulang ito ay nagdaan sa mga pagsubok na nagpatatag din sa kanilang kalusugang pangkaisipan, sigurado kaming hindi nila tatanggapin ang isang proyektong ikapapahamak ng kanilang prinsipyo at pagkatao; Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang direktor.
“Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya. Maraming Salamat po.”
Ang isa rin sa mga lead stars ng pelikula na si Baron Geisler ay nagbigay din ng kanyang pahayag tungkol sa isinaad na ito ni Soberano. Dito, pinakiusapan ni Geisler ang publiko na huwag ibash si Soberano dahil sa kanyang naging pahayag.
Naniniwala ang aktor na maayos ang gustong ihayag ni Soberano kaya huwag daw agad mangbash ang mga netizen dahil alam niya na hindi madali ang pinagdaraanan ng ibinabash o binabatikos na tao. Ani pa nga nito,
“Please Don’t bash Liza. Please be kind. Sometimes we get overprotective with our advocacies. She did not mean to look down on the poster… I believe she meant well folks. Please be kind. Masakit ma bash naranasan natin lahat Yan one way or another.”
Tumugon naman si Soberano sa pagtatanggol na ito sa kanya ni Geisler at pinasalamatan ang aktor dahil sa pag-intindi nito sa kanyang pahayag. Humingi rin dito ng tawad si Soberano sa mga taong na-offend ng kanyang opinyon.
Ayon kay Soberano, intensyon niya lamang umano na magkaroon ng magagandang pelikula na tumatalakay sa kung ano talaga ang mental health. Inihayag niya rin dito na papanoorin niya ang pelikula.
“Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted. I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it,” ani pa rito ng aktres.
Source: pikapika
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment