Tuesday, February 9, 2021

Isang OFW sa Malaysia, Hindi Nagpatukso sa Malaking Pera na Iniwan ng Kanyang Amo na Animo’y Isang Pagsubok Para Rito


Upang masuportahan ang pamilya at mabigyan ang mga ito ng magandang buhay, maraming mga Pilipino ang mas pinipili na mangibang bansa kahit na mahirap para lamang magkaroon ng sapat at magandang kita.

Tinitiis ng mga OFW, o Overseas Filipino Workers, ang hirap at pagkamiss na nararamdaman nila sa ibang bansa para lamang sa ikabubuti ng buhay ng kanilang naiwang mga pamilya sa Pilipinas. Pinagbubutihan ng mga ito ang kanilang trabaho upang maayos ang pagtrato sa kanila ng kanilang mga amo at maging maayos din ang turing ng mga ito sa kanila.

Hindi lahat ng mga OFW ay nabibiyayaan ng mabubuting mga amo lalo na ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper. Kaya naman, mahalaga para sa mga ito na makuha nila ang tiwala ng mga taong ito na kanilang pinagsisilbihan.

Kagaya na lamang ng isang OFW na ito sa Malaysia na hindi nagpanatinag sa animo’y pagsubok na ginawa sa kanya ng kanyang amo. Kamakailan lang, trending sa Facebook ang ibinahaging post ng OFW na ito tungkol sa isang pangyayaring kaugnay nito.

Sa kanyang Facebook post, nagbahagi ito ng ilang mga larawan kung saan, kita ang isang makapal ba kumpol ng pera na animo’y inipit sa isang pader. Ayon sa OFW, nakita niya raw ito habang naglilinis bilang paghahanda sa selebrasyon ng Chinese New Year.


Hindi naman nito naiwasan na magulat sa naturang laki ng halaga ng pera na animo’y sinadyang iwan doon ng amo para makita niya habang naglilinis. Natawa na lamang din dito ang OFW dahil nagmistula umanong pain ang nakita niyang pera.

Ngunit, kahit kaunti ay hindi umano ito natukso sa pera o hawakan man lang ito. Ayon sa OFW, wala umanong rason para gawin niya ito dahil maayos naman ang pagpapasweldo sa kanya at kontento na siya rito. Nagawa pa nga niyang magbiro at sinabing baka isama na lamang niya sa mga lilinisn ang naturang pera dahil saktong naglilinis naman siya nang mga oras na iyon.

“Share ko lang, sabi ng amo ko last week, simulan ko na daw maglinis kasi malapit na ang CNY (Chinese New Year). Pero ngayon lang ako maglilinis…

“Tapos ito makikita ko sa taas. Ano to? Pain? Hala! Hindi ako nasisilaw! May sahod naman ako. Papadaanan ko lang ng basahan ‘yan,” ani pa nito sa kanyang Facebook post.

Kaya naman, bukod sa kanilang paghanga sa OFW ay natawa na lamang ang maraming nga netizen sa ibinahagi nitong pangyayari. Ani ng mga ito, nakakabilib umano na nangingibabaw pa rin palagi ang katapatan ng mga Pinoy kahit sa kabila ng hirap na pinagdaraanan ng mga ito. Kaya naman, dahil sa kakaibang katapatan ng mga OFW ay nararapat lamang din na tratuhin ang mga ito ng maayos.

Nagawa pa ngang magbiro din ng iba tungkol sa ibinahaging ito ng OFW. Mapagbirong saad pa nga tungkol dito ng isang netizen,


“Dapat sinama mo sa paglilinis tapos ipakita mo sa boss mo. Sabihin mo, ‘look how dirty your house, ma’am’ (kasama pera sa pagwawalis).”

Source: furrycategory


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment