Friday, February 12, 2021

BASAHIN: Ang Tanging Beses na Nagpaunlak ng Panayam Noon ang Nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine


Ang tagumpay at ningning ng karera ng nag-iisang Sarah Geronimo ay isang bagay na hindi maikakaila ng sino man. Laman ito ng telebisyon, ng mga entablado, at maging ng mga pelikula dahil sa galing nito sa halos lahat ng bagay; sa pagkanta, sa pagsayaw, at sa pag-arte.

Ngunit, sa lahat ng taon ng kasikatan ni Sarah ay iisang beses lamang na humarap sa panayam ang nanay nito na si Mommy Divine na mula pa man noon ay nasa likod na nito at umaalalay sa kanyang karera. 

Para kay Mommy Divine, ang talento ni ibinigay sa kanilang pangatlong anak ay tinawag nito na “Itinakda ng Diyos”.

Lagi mang sinasabihan na kontrabida sa buhay ni Sarah, naniniwala si Mommy Divine na ang kanyang ginagawa ay pag-aalaga lamang sa kanyang anak at sa talento na bigay rito ng Panginoon. Likas na relihiyoso, ang pananampalataya sa Maykapal ang kinapitan ni Mommy Divine sa lahat ng kanilang hirap na pinagdaanan.

“Sobrang bait mo sa amin.

“Sobrang bait mo sa kanya [Sarah], baka makagawa siya ng bagay na…

“Sobrang bait ng Diyos sa amin—iyong blessing niya, kung paano niya kami inangat. Hindi naman po maintindihan ng tao ’yon, e. Hindi nila alam kung ano iyong pinagdaanan namin. Masyado pong malalim ang tiniis naming hirap…” ani pa nito.

Bata pa lamang si Sarah ay lumalabas na ito sa telebisyon ngunit, ang pagkapanalo nito bilang kauna-unahang kampeon sa ‘Star for a Night’ ang nag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.

Ayon kay Mommy Divine, bago ito ay naranasan nila ang lahat ng klase ng hirap at pagkabaon sa utang dulot na rin ng pagkaka-bankrupt ng kanilang negosyo noon na naapektuhan ng krisis sa ekonomiya, paglindol, at pagputok ng Mt. Pinatubo. Idagdag pa rito ang pagsailalim sa operasyon ng kapatid ni Sarah.


“Iyong mister ko, lahat ng sahod niya every month, nauutang na namin… Kumbaga, susuwelduhin mo pa lang, naiutang na. So zero, zero na kami. Negative.

“Buwan-buwan, pinuputulan kami ng ilaw, ng tubig. Buwan-buwan iyon, walang palya,” kwento pa nito.

Mula nang manalo sa contest na ito si Sarah, naiahon niya sa hirap ang kanyang pamilya at nabayaran lahat ng kanilang utang. Sa pagdaan ng mga taon, mas nagsikap pa ito at binigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

“Doon namin nakita iyong parang talagang ’tinakda ng Diyos… Parang ’binigay Niya,” saad pa ulit nito.

Maliban sa pagiging gabay ni Sarah, kilala rin si Mommy Divine sa pagiging mahigpit nito sa anak sa buhay pag-ibig nito. Ilang beses na naging kontrobersiya ang pagpapagitna nito sa relasyon ng anak na humantong pa nga sa sekretong pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli.

Nang gawin ang panayam na ito kay Mommy Divine ng isang sikat na media site, 23 taong gulang pa lamang si Sarah at naniniwala noon si Mommy Divine na hindi pa iyon ang tamang panahon para umibig ang anak. Ani nito, tanging ang Diyos lamang ang makapagsasabi kung kailan magiging handa si Sarah.

Ngunit, matapos ang halos isang dekada ay mukhang hindi pa rin naniniwala si Mommy Divine na handa na para rito ang anak.


Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment