Thursday, February 11, 2021

Marian Rivera, Nagbigay na ng Pahayag Tungkol sa Isyung Ibinabato kay Dingdong Dantes

Kamakailan lang ay nagpaunlak ng isang panayam ang aktres na si Marian Rivera.  

Wala nga, e. Dedma lang ako. Dito, agad na naitanobg kay Marian ang tungkol sa isyu na pilit ibinabato sa mister nitong si Dingdong Dantes. 

Kung matatandaan, naging trending nitong mga nakaraang araw si Dingdong matapos itong iugnay sa dati niyang nakatrabahong aktres na si Lindsay de Vera. Diumano ay nabuntis daw ito ng aktor na umani naman ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizen. 

Ngunit, tinawanan lamang ni Marian ang tungkol sa naturang isyu na halata namang hindi totoo. Pagbibiro pa nga raw nito kay Dingdong, baka pwede naman daw na siya na ang sunod na mabuntis. 

“Sabi ko... alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa. Sabi nga niya, 'Nakita mo ba yung chismis sa akin?' Sabi ko, 'Oo, nakakatawa.'

“Tawang-tawa talaga ako 'tapos niloko ko siya, sabi ko, 'Ano ba ‘yan, ang daming buntis-buntis.' Sabi ko, 'Beke nemen, baka ako ang susunod diyan.' 'Tapos tawa siya nang tawa,” kwento pa ni Marian tungkol dito. 

Ang relasyon at buhay pamilya nina Dingdong at Marian ay isa sa pinakahinahangaan ng marami. Limang taon na ngayong mag-asawa ang dalawa at mayroong dalawang anak; sina Zia at Ziggy. Nasubaybayan ng marami at kanilang mga tagahanga ang buhay na ito nina Dingdong kaya saksi ang mga ito tunay ng kanilang pagmamahalan at tibay ng kanilang samahan. 

Ayon kay Marian, ayaw nitong isipin na mayroon pang mga bagay na pwedeng makasira sa kanilanv relasyon ni Dingdong. Saad pa nga nito, 

“Well, siyempre, ayaw naming isipin ‘yan. Pero siyempre, sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.

“Malay mo, yung mga chismis-chismis na 'yan, e, magkatotoo.”

Gayunpaman, tiwala ang aktres sa pinanghahawakan nilang dalawa ni Dingdong. Tutuparin umano ng mga ito ang kabilang pangako sa isa't-isana masayang pagsasama.

“The mere fact na nagpakasal kaming dalawa, malinaw sa aming dalawa kung ano ang gusto naming mangyari sa buhay.

“Nagpakasal kami, humarap kami sa Panginoon. Sumumpa kami na sa hirap at ginhawa ay magkasama kaming dalawa, tutuparin namin yun hanggang sa nasa kabilang buhay kaming dalawa,” ani pa ulit ni Marian. 

Samantala, nauna na ring nagbigay ng pahayag si Lindsay de Vera tungkol sa isyung ito na kinasangkutan niya at ni Dingdong. Dito, mariin niya ring itinanggi ang tungkol sa fake at malisyosong balita. 

Ayon pa kah Lindsay,  nakaganda daw siyang maghain ng reklamo para sa sinuman na nasa likod ng nasabing balita. Hinamon niya pa nga ang mga ito na magkita sa korte at ilahad abg mga ebidensya tungkol sa ipinapakalat nilang maling balita ka.

“No! Hindi po 'yun totoo…

“Ang masasabi ko po kasi is, right now, I'm already talking to lawyers as well, we are talking to our lawyers. And we are speaking of possible charges that we can file to those who claim that to be true… 

“I encourage you, if you have the proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forth and we will meet each other in court,” paghahamon pa nga ni Lindsay. 

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment