Monday, February 1, 2021

Dating Contestant ng ‘Miss Q and A’ sa It’s Showtime, Naputulan ng Paa Matapos Maaksidente


Mahigit tatlong taon na rin ang nakakaraan nang maaksidente ang isang beauty queen at dating contestant ng segment na ‘Miss Q and A’ sa noontime show na It’s Showtime. Ang aksidenteng ito ang dahilan kaya naputulan ng paa si Jayson Jiz De Ortega o mas kilala sa pangalang Jeniffer Collins.

Kung matatandaan, naging viral noon si Collins nang maaksidente ito matapos na mabangga ng isang jeep ang sinasakyan nitong tricycle. Ayon sa ulat, mabilis sumano ang takbo ng naturang jeep nang mabangga nito ang sinasakyang tricycle ng beauty queen.

Dahil sa aksidente ay isingod si Collins sa Philippine General Hospital kung saan, nalagay sa peligro ang buhay nito na umabot pa nga sa pagkakaputol ng kanyang kanang binti. Ayon pa sa kaibigan nito na nagbahagi ng pangyayari tungkol kay Collins, halos mamatay na umano ito dahil sa kinasangkutang aksidente.

Hindi rin naging madali para rito ang pagkakaospital ni Collins lalo na’t ito ang breadwinner at inaasahan ng pamilya. Kaya naman, upang mayroong pantustos sa kanyang pagkakaospital at pagpapagaling ay nanghingi noon ng tulong ang kaibigan nitong si Jam Arenas. Sa isang Facebook post noon ay ibinahagi niya ang nangyari sa kabigan at ang tulong na kailangan nito.

“We would like to seek help for one of our TRANS KONTESERAS - Jayson Jiz De Ortega aka  Jeniffer Collins. Siya po ay kamakailan ay naaksidente (August31,2017 around 7:30pm), nabangga po ang tricycle na sinasakyan niya. Mabilis daw po ang patakbo ng jeep, lasing, at mukhang naka droga pa daw po. Umabot na po sa puntong halos mamatay na sia at kailangan ng putulin ang isa nyang binti(RIGHT) samantalang sementado po ang isa (LEFT). Malaking pasasalamat pa din sa Diyos na siya ay binigyan ng panibagong buhay…,” ani pa rito ni Arenas


Dagdag ani nito, bilang breadwinner ay pinasok umano ni Collins ang lahat ng klase ng trabaho gaya na lamang ng pagiging real-estate agent at choreographer. Kaya naman, malaking epekto para rito at sa kanyang pamilya ang nangyaring aksidente sa kanya. Idiniin niya rin dito kung gaano kabuting kaibigan si Collins.


“Just a brief background, siya po ay breadwinner, lahat pinasok para kumita--- real state agent, kontesera, make up artist, choreographer, costume maker. In short, raketera. Kumakayod para sa buong pamilya at sa nangyaring ito ay maaring mahirapan na po siya. Isa po siyang mabait na anak, kapatid at kaibigan.

“Siya po ay naka-confine sa PGH (Philippine General Hospital sa Pedro Gil), nagpapagaling at nagpapalakas. Maaari po tayo magpadala ng tulong sa kanyang kapatid. Maliit o malaki mang tulong ay napakahalaga na po para sa pang araw araw niyang GAMUTAN at PANGANGAILANGAN. Pwede niyo po ako iPM (Jam Arenas) para ma account po. Maari din kontakin lamang po ang kanyang kapatid… Muli kami po ay humihingi ng tulong lalo na po ang DASAL para sa kanya. Maraming salamat po,” ani pa dati ni Arenas.


Agad naman na bumuhos ang tulong noon para sa beauty queen lalo na mula sa mga kaibigan at kakilala nito. Mahigit tatlong taon matapos nito, dasal ng marami na maayos na ngayon ang kalagayan ni Collins.


Source: readerdigests


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment