Monday, February 1, 2021

Netizen, Kinain ang Iniwang Pagkain ng Isang Magkasintahang Umalis Matapos Mag-away sa Isang Fastfood Restaurant!

Trending ngayon sa Facebook ang ibinahaging post ng netizen na si Jenin Francis Cabatuan tungkol sa isang pangyayari na talaga namang kinaaliwan ng maraming mga netizen.

Sa kanyang Facebook post, habang nasa isang Fastfood restaurant ay nasaksihan umano ni Cabatuan ang pag-aaway ng isang magkasintahan na umabot nga sa pagwa-walkout ng mga ito. Samantala, naiwan umano ng mga ito ang inorder nilang pagkain na hindi man lang umano kinain o ginalaw ng mga ito.

Hinintay umano ni Cabatuan na bumalik ang kahit isa lamang sa naturang magkasintahan. Lumipas na umano ang halos 20 minuto ngunit, wala pa rin umanong bumabalik sa mga ito para kainin o iuwi ang kanilang inorder na pagkain. 

Kaya naman, dahil sayang naman umano ang nasabing pagkain, kinain na lamang ito ng netizen kaya ganun na lamang umano ang pasasalamat niya sa naturang pag-aaway ng magkasintahan dahil nabusog naman siya ng mga ito.

Dagdag biro niya pa nga, sana raw sa susunod na pag-aaway ng mga ito ay nandoon din siya upang muli siyang makakain ng libre at mabusog. Nangyari ito nito lamang ika-24 ng Enero sa isang sikat na fastfood chain sa San Carlos, Negros Occidental.

Ani pa nga ni Cabatuan sa kanyang Facebook post,

“SHOUTOUT DIAY KOS MAG-UYAB NGA NAG AWAY GAENA MGA ALAS 8:51PM SA SULOD SA MCDO, SALAMAT DIAY SA PAGKAON NGA GIBILIN RA NINYO GAENA HAAA, INFAIRNESS BUSOG KAAYO KO.. TANI SUNOD AWAY NINYO, NAA RA JAPUN KO… WORTH IT ANG 15-20 MINUTES PINAABOT IF MAMALIK PABA SILA HAHAHAHAAA”

[Shoutout pala sa magkasintahan na nag-away kanina bandang alas 8:51 pm sa loob ng McDo. Salamat pala sa pagkain na iniwan niyo kanina ha, infairness nabusog talaga ako. Sana sa susunod na away niyo, nandoon pa rin ako. Worth it ang 15-20 minutes na paghihintay kung babalik pa ba sila hahahaaa.”


Agad naman na nagng viral ang naturang Facebook post ni Cabatuan na talaga namang umani ng mga natatawang reaksyon mula sa mga netizen. Bentang-benta sa mga ito ang ginawa ni Cabatuan na talaga naman umanong praktikal.

Sa katunayan, umabot na nga sa halos 20,000 ang bilang ng mga naaning reaksyon ng Facebook post nito kung saan, karamihan ay natatawang reaksyon mula sa mga netizen. Samantala, halos nasa 20,000 na rin ang bilang ng nakakalap nitong shares na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdami ng bilang.

Natatawang saad naman ng ilang mga netizen, baka raw bumalik talaga roon ang magkasintahan ngunit, nakita ng mga ito na kinakain na ng netizen ang kanilang pagkain kaya hindi nalang tumuloy ang mga ito.

Samantala, biro naman ng ilan, sana raw ay makakita rin sila ng nag-aaway na magkasintahan tapos iniiwan lamang ang pagkain para malibre rin umano sila sa pagkain. Dahil umano sa post na ito ni Cabatuan ay mukhang ito na umano ang kanilang aabangan sa tuwing papasok sa isang fastfood restaurant.

Gayunpaman, mayroon ding iba na nagsabing hindi umano ligtas ang ginawa ng netizen lalo na sa panahon ngayon. Ngunit, sa kabila ng mga komentong ganito ay nangibabaw pa rin ang mga positibong komento ng karamihan sa mga netizen.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment