Tuesday, February 9, 2021

Ion Perez, Nakitira Dati sa Isang Fashion Designer Habang Nagsisimula pa Lamang sa Showbiz


Bago pa man maging isa sa mga host ng It’s Showtime at makilala si Ion Perez ay dati na itong sumubok na pumasok sa showbiz. Taong 2010 umano nang unang sinubukan ni Ion ang kanyang kapalaran sa industriya. Nang mga panahong iyon ay 20 taong gulang pa lamang ito.

Ang mga ito ay ayon mismo sa kilala at dating fashion designer na si Robert Castañeda. Pagbabahagi nito, nakitira umano noon si Ion sa kanya dahil wala itong matitirhan habang nasa Maynila. Umabot din umano ito ng ilang mga buwan.

“I have known him since 2010,” kwento pa nito.

Sa loob ng nga panahong iyon ay isinasama umano ni Robert si Ion sa ilang mga shows at events kung saan, nagkakaroon ito ng pagkakataon na makilala ang ilang nga artista.

Isa nga sa mga una raw nitong nakilala ay ang host na si Willie Revillame. Nasa TV5 pa umano ito noong nang makilala siya sa personal ni Ion. Bilang patunay nga ay mayroong larawan si Ion kasama ang host kung saan, makikita na mayroon palang pagkakahawig noon si Ion sa kanya ngayong partner na si Vice Ganda.


Dati na umanong pangarap ni Ion na mag-artista kaya naman, ang malaman na nakatakda na itong magkaroon ng sarili niyang pelikula ay nagpasaya sa fashion designer.

“Isinama ko siya noon in one of the events ni Willie. Nasa Channel 5 pa noon ang game show niya… Isinama ko rin siya sa taping ng Banana Split, ang show noon ni Edgar Mortiz sa ABS-CBN.

“He stayed with me for five months. That time, may mga pictorial at mga event siya in Manila. Wala siyang matirhan noon sa Manila so I offered my place,” pagbabahagi pa ulit nito.


Sa ngayon ay nakatakda nang bumida si Ion sa pelikulang ‘Kaka’ (Bukaka) ng Viva Films kasama ang aspring din at sexy star na si Sunshine Guimary. Ayon sa fashion designer, masaya umano ito para kay Ion dahil alam niyang pangarap niya ito noon pa man.

“Sa simula, I asked Biboy Arboleda (Coco Martin’s manager) at Arnold Vegafria to handle him. Ang problema lang kasi niya noon, may punto (accent) siya kapag nagsasalita…

“I’m happy for him. Dream naman niya ‘yan, and I’m happy for both of them,” ani pa nito na ang tinutukoy sa huli ay ang relasyon ni Ion kay Vice Ganda.

Kwento pa nito, dati rin umano ay nakita na nila na mukhang magugustuhan ni Vice si Ion kapag nakilala niya ito. At hindi nga sila nagkakamali dahil nagkapalagayan nga ng loob ang dalawa at ngayon ay dalawang taon na ang tagal ng kanilang relasyon. Kwento pa nito tungkol dito,

“Nang makita ni Biboy si Ion, sabi niya, ‘Kapag nakita ni Vice ‘yan, sigurado, mata-type-an niya’. Ang true nga”.

Samantala, nawalan na umano ng contact si Robert kay Ion ngunit, nang minsang magkita umano sila ni Ion kamakailan lang ay ito umano ang lumapit sa kanya.


“Once, nagkita kami sa Starbucks. I didn’t know na nandoon siya. Lumapit siya. Mabait naman ‘yang si Ion… Masarap kasama ‘yan. Mabait at masayahin.

“But from then on, wala na akong contact sa kanya,” saad pa nito.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment