‘SA HIRAP AT GINHAWA’
Ganito eksaktong inihayag sa mga viral na larawan nina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. Sa kabila ng kanilang simpleng pamumuhay bilang mga mangangalakal, ang kanilang pagmamahal naman sa isa’t-sa ay kayang lampasan ang kahit na anong paghihirap.
Ang mga larawang ito naman nina Rosalyn at Rommel ay ikinamangha ng maraming mga netizen. Bilib ang mga ito sa ginawang makeover at transformation sa dalawa para sa kanilang prenup photoshoot.
Sa pamumuno ng vlogger na si Richard Strandz at Rab4Love Studios, isang bonggang transformation ang kanilang inihandog sa dalawa para sa kanilang prenup photoshoot. Ito ang kanilang munting handog kina Rosalyn at Rommel para sa Araw ng mga Puso.
Ayon kay Richard, madalas niya umano na nakikita ang dalawa sa labas ng kanyang studio. Trabaho ng mga ito ang mangolekta ng basura. Maliban dito ay nagbebenta rin umano ang mga ito ng mais. Saksi umano si Richard kung gaano nagsusumikap ang mga ito sa kanilang paghahanapbuhay.
Mayroon nang anim na anak sina Rosalyn at Rommel. Ayon sa kanila, 24 na taon na raw silang nagsasama ngunit hindi pa naikakasal ang mga ito. Kaya naman, bilang regalo sa dalawa ay naisipan umano ni Richard na handugan ito ng magandang regalo.
Sina Rommel at Rosalyn ay bahagi ng kanilang proyektong Charity Wedding. Ito ay isang proyekto nila para sa mga kapos palad na hindi pa naikakasal. Bilang paghahanda rito, naisipan ni Richard na gawan ng prenup photoshoot ang dalawa kaya humingi ng tulong si Richard sa kanyang mga kaibigan upang maisakatuparan ito.
Kaya naman, sa tulong ng mga photographer ng Rab4Love Studios na sina Benjamin at Rachele Agoc, videographers na sina Peaboh David at Paul Cabrera, designer na si Rich Sabinian at events coordinator na si Hershey Mayrina, naisakatuparan ng mga ito ang isinulat na istorya at konsepto ni Richard para kina Rosalyn.
Sa mga larawan ng dalawa, makikita ang realidad ng kanilang pamumuhay ngunit, pinaganda ito ng kanilang tunay na pag-ibig sa isa’t -isa. Ani pa nga tungkol dito ni Richard,
“We want to showcase their real life love story. What made it picture perfect is the love that they feel for each other. Gusto lang namin magfocus sa kung sino sila as a couple at ipakita 'yong pagmamahalan nila sa ‘hirap at ginhawa.”
Kaya naman, labis na kinamangha ng maraming mga netizen ang resulta ng prenup shoot nina Rosalyn at Rommel. Hindi makapaniwala ang mga ito sa ganda ng mga larawan at maging sa konsepto ng photoshoot.
Komento pa nga rito ng ilang mga netizen,
“Nice one! Napaka natural yet so amazing ng mga photos… Congratuations and God bless to this couple as well as the people behind this masterpiece.”
“Marriage isn't always a bed of roses but there's no such thing as perfect marriage— total commitment & honesty! Congratulations! Best of wishes, mamser.”
Sa ngayon, pinaghahandaan na ngayon ng grupo nina Richard ang gaganaping supresang kasalan para kina Rommel at Rosalyn. Inaabangan na rin ito ng mga netizen na umaasang magiging maganda rin ang kalalabasan ng kasalan.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment