Sunday, February 7, 2021

PANOORIN: Ang Kakaibang Natuklasan ng Isang Metal Detectorist na Nagpabago sa Buhay Nito


Labindalawang taong gulang pa lamang noon si Mike Smith mula Pembrokeshire, Wales nang mahiligan nito ang pagdedetect ng mga metal sa lupa matapos na bigyan ito ng kanyang tatay ng isang metal detector bilang regalo.

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang hilig ni Smith sa paghahanap ng iba’t-ibang mga bagay gamit ang kanyag metal detector hanggang sa siya ay lumaki at nagkapamilya. Sa kanyang libreng oras, ito ang madalas na ginagawa ni Smith.

Ngunit, hindi nito inaasahan na sa pamamagitan ng kanyang ginagawang ito ay mayroon siyang importanteng matutuklasan na magpapabago rin sa kanyang buhay.

Ito ay nang aksidenteng ma-detect at mahukay ni Smith ang mga lumang artifact mula sa isang pinaniniwalaang ritual burial site na nasa mahigit 2,000 taon na ang tanda.

Noong una, naisipan lamang ni Smith na mag-ikot ikot gamit ang kanyang metal detector sa isang malabunduking bahagi ng kanilang lugar. Una pa lamang ay mayroon nang nadetect si Smith na metal sa kanyang metal detector kaya sinuyod pa nito ang buong lugar.

Hanggang sa mas lumakas na nga ang tunog ng kanyang metal detector na indikasyong mayroong malaking bagay o metal sa ilalim ng naturang lupain. Kaya naman, minabuti nito na hukayin ang naturang bahagi ng lupain.

Matapos lamang ang halos dalawang talampakan ng paghuhukay, mayroong nakuha na animo’y isang barya si Smith mula rito ngunit, nang tanggalin ang putik ay lumabas na isa pala itong singsing. Unang tingin pa lamang niya dito ay halata nang luma o galing sa sinaunang panahon ang naturang bagay.


Muli pa nitong ipingpatuloy ang kanyang paghuhukay hanggang sa isang kadena naman ang kanyang nakuha mula rito. Sa pagpapatuloy niya sa kanyang paghuhukay, isang butas naman ang nadiskubrehan nito na bumukas nang kanyang sundutin.


Dito ay iba’t-ibang mga kakaiba at sinaunang mga bagay pa ang natuklasan ni Smith maliban pa sa mga sinaunang sulatin o simbolo na nakapalibot sa lugar. Dahil naman sa natuklasan niyang ito kaya minabuti ni Smith na tumawag sa mga awtoridad at sa National Museum of Walses upang ipaalam dito ang lugar.

Lumalabas, ang natuklasan umanong ito ni Smith ay isang sinaunang libingan ng mga matataas na opisyal na tinatayang nasa mahigit 2,000 taon na ang tanda. Noong sinaunang panahon na ito o Iron Age, kasamang inililibing ay ang mga kagamitin ng mga taong ito pati na rin ang kanilang mga chariot o kalesa.

Hindi halos makapaniwala ang mga eksperto sa natuklasang ito ni Smith dahil ito ang kauna-unahan sa kanilang lugar. Isa itong malaking pagtuklas sa nakaraan kaya napakahalaga ng lugar nito.


Samantala, dahil sa mga natuklasang artifacts ni Smith ay makakatanggap umano ito ng malaking halaga mula sa mag awtoridad na aabot umano sa mahiit 1.3 milyong dolyar. Ngunit, kahati umano dito ni Smith ang may-ari ng lupain.


Gayunpaman, malaking tulong pa rin ito kay Smith at plano umano nito na makabili ng bahay gamit ang naturang pera para sa kanyang pamilya. Kagaya ng mga awtoridad ay hindi rin makapaniwala si Smith sa kanyang natuklasan. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment