Saturday, February 27, 2021

Php100,000, Naipon ng Isang Guro sa Loob ng Isang Taon; Kung Paano, Alamin Dito!

Marami ang na-inspire sa ginawang pag-iipon ng gurong ito sa loob ng isang taon kung saan, umabot lang naman sa Php106,155 ang kanyang perang naimpok. Ayon kay Cathlyn de Leon Mariano, magagawa daw ito ng kahit sino basta’t mayroon umanong disiplina at kagustuhan na magtagumpay sa buhay.

Kaya naman, mayroong mga payo na ibinahagi ang guro upang maging gabay sa pag-iipon kasabay ng pagbabahagi nito ng kanyang karanasan habang nag-iipon. 

Heto ang kanyang ibinahaging 12 IPON TIPS:

Unang payo ni Cathlyn ay ang manalig sa Panginoon na gabayan kayo sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Ani pa nito, makakatulong din daw ang pagsali sa mga grupong tungkol din sa pag-iipon ang layunin.

Pangalawa. Mayroong umanong isang simpleng formula na susundin upang epektibong makapag-ipon. Ito umano ay ang ‘INCOME - SAVINGS = EXPENSES’. Ibig sabihin, unang ibukod mula sa iyong kita ang iyong ipon habang ang matitira naman ang siyang iyong magiging panggastos.

Pangatlo naman ay ang pagkilala sa kaibahan ng iyong mga WANTS at NEEDS. Unahin ang mga pangangailangan kaysa sa mga luho lamang. Ani nga ni Cathlyn, huwag daw maging “luho now, luha later”. Pwede naman umanong i-treat ang sarili paminsan minsan ngunit, mas unahin palagi ang mga pangangailangan.

Pang-apat. Magkaroon ka umano ng Alkansya o di kaya ay bank account, mga lugar kung saan magiging ligtas ang pagkakaimpok ng iyong pera. Kung sa bangko, payo nito ay passbook umano ang kunin at hindi ATM card upang maiwasan ang madalas na pagpipindot-pindot.

Panglima naman ay ang nauuso umano ngayong ‘Law of Attraction’. Magkaroon ka umano ng mga ‘goal’ o ‘target’ sa iyong pag-iipon upang mas ganahan ka na magpatuloy na pag-iimpok ng pera. 

Pang-anim. Ayon kay Cathlyn, “don't sacrifice your finances for the sake of having a good image in social media.” Ibig sabihin, wag daw tumangkilik sa mga branded na gamit kung wala naman daw laman ang bulsa. Hindi naman umano nakakahiya na magsuot ng mga mumurahing damit basta’t ang mahalaga ay hindi butas ang ‘yong bulsa.

Pangpito naman ay tungkol umano sa pagkakaroon ng taong marunong din magtipid katulad mo. Pagbabahagi pa ni Cathlyn, pareho umano sila ng kanyang boyfriend na hindi umano magastos at hindi maluho sa mga gala at bagay na binibili.

Pangwalo naman ay ang ‘tipid living’. Naging halimbawa dito ng guro ay ang palagi niyang pagbabaon ng lunch sa paaralan imbes na bumili pa doon ng pagkain. Para makatipid naman umano sa pamasahe ay bumili ito ng magagamit niyang e-bike.

Pangsiyam. Magsimula umano sa maliit dahil hindi naman umano kompetisyon ang pag-iipon. Kahit barya barya lang sa una, ipon pa rin umano iyon at may halaga.

Pangsampong payo naman nito ay ang hindi pagkakaroon ng utang at pag-iwas sa pangungutang. Pati rin ang pagpapautang ay dapat ding iwasan.

Pang labing-isa. Simple lang, ‘financial management system’. Ibig sabihin, alamin kung saan napupunta ang kita mo upang hindi ka maguluhan kung saan at paano ito nagagastos.

At ang panghuli naman ay ang pagkakaroon ng ibang source of income at ang pagkakaroon ng investment. Bukod sa trabaho, mahalaga din umano na mayroon pang ibang pinagkukunan ng iyong income kagaya na lamang ni Cathlyn na nag-oonline selling at iba pang mga raket na pagtitinda.

Source: thecampfirethoughts


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment