Ang pag-iisang dibdib o pagpapakasal ay isa sa pinaka pinag-hahandaang okasyon sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan at handa nang magsama habang buhay. Higit sa lahat, hindi rin biro ang ginagastos naturang okasyon para lamang maging espesyal at hindi makakalimutan ang importanteng araw na ito.
Sa pagdaan ng panahon, naging uso na rin ang mga kasalan na hindi lamang sa loob ng simbahan ginaganap. Halimbawa na lamang dito ay ang mga tinatawag na beach wedding, garden wedding, o iba’t-ibang mga destination wedding.
Kaugnay naman nito, kamakailan lang ay trending sa social media ang isang kakaibang kasalan na idinaos lang naman sa isang lumilipad at pampasaherong eroplano. Manghang-mangha ang marami sa kasalang ito nina Topu at Micah na ginaganap sa isang eroplano na lumilipad papuntang Boracay.
Sa mga larawan na ibinahagi ng Nice Print Photography and Exige Weddings, makikita ang magandang kasalan na ito ng dalawa na ginanap sa gitna nang naturang eroplano at sa harap ng iba pang mga pasahero na lulan din nito.
Sa taas na 37,000 feet above sea level, ganap na ikinasal at naging mag-asawa na sa wakas sina Topu at Micah na nasaksihan ng iba’t-ibang mga indibidwal na kasama nilang pasahero rin ng eroplanong ito papuntang Boracay.
Para sa marami, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong ginanap na kasalan sa ganitong paraan. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong idinaos na kasal sa nasabing eroplano habang lulan ang mga ikinakasal ng isang commercial flight.
“How about getting married inside an aircraft, 37,000 feet above sea level? @airasiaph marks its first ever wedding onboard a commercial aircraft en route to BORACAY…
“Congratulations Topu and Micah!
Love is truly in the air!” saan pa ng Nice Print Photography sa kanilang Facebook post.
Ikinamangha naman ito ng maraming mga netizen na halos lahat ay unang beses din na makarinig ng ganito kakaibang kasalan. Ikanga ng mga ito, sa naturang kasalan ay literal na ‘love is in the air’.
Ang kakaibang kasalan na ito ay nadagdag na naman sa pangarap na kasal ng marami lalong lalo na ng mga kababaihan. Inspirasyon umano ang kakaibang konsepto na ito para sa iilan na nagpaplano na rin ng kanilang pangarap na kasalan.
Sa mga larawang ibinahagi sa nasabing Facebook post, kahit na lulan ng eroplano ay kita ang paghahanda para sa naturang kasal. Nakasuot ng puting wedding dress ang bride na lalo pang nagpaganda rito. Dahil nga sa ganda ng kasal ay hindi rin maiwasan ng ibang mga pasahero ng naturang eroplano na kunan ng larawan ang kakaiba at espesyal na okasyon.
Samantala, biro naman ng iba, mukhang praktikal din umano ang ganoong setup ng kasalan dahil paglapag umano ng mga ito sa destinayon na Boracay ay mukhang diretsong reception na umano agad ang bagong kasal at ang mga bisita.
“Sa plane po ba yung wedding para pagdating sa Boracay, reception na lang para tipid?” ani pa ng naturang netizen.
“Sumakay ka lang ng airplane pagbaba mo misis kana,” dagdag biro naman ng isa pang netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment