Thursday, February 11, 2021

VIRAL: Bride, Nagpaalam sa Kanyang Groom Na Yayakapin Nito sa Huling Pagkakataon ang Kanyang Ex-boyfriend


Kakaiba ang pangyayaring ito sa isang kasal na viral na ngayon sa social media lalo na sa TikTok kung saan, niyakap lang naman ng bride sa huling pagkakataon ang kanyang dating boyfriend ngunit, may pahintulot naman ito ng kanyang groom.

Kadalasan, hindi na nagiging usapan sa isang magkarelasyon ang kanilang mga dating boyfriend o girlfriend o di kaya ay wala nang koneksyon ang mga ito sa kanilang mga dating karelasyon. Kadalasan din, kung hindi man pormal na lamang na magkakilala ay hindi na maayos ang relasyon ng mga ito sa kanilang mga huling nakarelasyon.

Ngunit, kaiba ang sitwasyon ng bride at groom na ito kung saan, sa araw mismo ng kanilang kasal ay nandoon at imbitado ang ex-boyfriend ng bride. Sa viral video ng naturang pangyayari, makikitang lumapit sa dalawa ang ex-boyfriend ni bride at makikipagkamay sana ito rito.

Hindi muna ito tinanggap ni bride ngunit, nakipag-usap muna ito sa groom at humingi ng pahintulot na mayakap sa huling pagkakataon ang kanyang ex-boyfriend. Binigyang pahintulot naman ito ang groom kaya niyakap ng bride sa huling pagkakataon ang kanyang ex-boyfriend. Samantala, matapos yakapin ang bride ay lumapit din ito sa groom at nakipagkamay dito. 

Kita lamang sa video na ito na maayos ang relasyon ng ex-boyfriend ni bride sa kanilang dalawa ng kanya na ngayong asawa. Kita rin dito na nakangiti lamang na pinanood ni groom ang yakapan ng dalawa at maluwag sa loob nito ang ibinigay na pahintulot sa kanyang bride. Base rin sa kanyang pakikipagkamay sa ex-boyfriend ng kanya na ngayong misis, wala rin siyang tinatagong galit dito at maayos ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.


Dahil naman dito kaya marami ang humanga sa groom na binigyang pahintulot ang kanyang bride na mayakap sa huling pagkakataon ang ex nito. Nagpapakita lamang umano ito na malaki ang tiwala niya sa kanyang bride at kampante siya sa pagmamahal nito sa kanya kaya hindi niya nakikita bilang isang masamang bagay ang pagpunta doon ng ex-boyfriend ng kanyang bride.

Ani naman ng ilang mga netizen, baka mayroon pa umanong pagmamahal na nararamdaman si bride sa kanyang ex-boyfriend ngunit, mas nangibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang groom. Maaaring maayos din umano ang paghihiwalay nila nito kaya hindi sila gaya ng ibang mga dating magkarelasyon na hindi na naging magkaibigan pang muli.

Bilib umano ang mga ito sa pangyayari dahil ipinapakita lamang umano nito na matibay ang pundasyon ng relasyon ng dalawang ikinasal dahil komportable at walang ilangan sa kanila kahit na lumitaw pa ang ex-boyfriend ni bride at nagyakapan ang mga ito sa huling pagkakataon. 

Wala umanong masama rito lalo na’t kahit komportable ang mga ito sa isa’t-isa ay binigyang respeto pa rin naman ni bride ang kanyang groom at humingi rito ng permiso bago yumakap sa dating nobyo. Dapat din umanong tularan ang ipinakitang respeto ng ex-boyfriend kay groom nang makipagkamay ito rito bilang pagpapahayag na wala itong masamang intensyon at masaya ito para sa kasal ng dalawa.


Patunay lamang umano na pwede pa rin namang magkaroon ng maayos na pakikitungo sa isa’t-isa ang mga dating magkarelasyon basta’t mayroong respeto at pagpapahalaga ang mga ito sa mga kasalukuyan nang parte ng kanya-kanya nilang buhay.

Source: rachfeed


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment