Thursday, March 11, 2021

PNP, Umaapela sa Publiko na Iwasan ang PDA o Public Display of Affection Para Makaiwas sa COVID-19


Matapos ang muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isinusulong ngayon ng Philippine National Police na iwasan o ipagbawal ang PDA, o public display of affection. Nito lamang Miyerkules, ika-10 ng Marso, inihayag ni PNP spokesman Police Brigadier General Ildebrandi Usana ang tungkol dito.

Sa muli o unti-unti raw kasing pagbubukas ng ekonomiya ng bansa, marami-rami na rin ang lumalabas sa kanilang mga bahay at karamihan pa sa mga ito ay ang mga nasa mas batang edad.

“Yung public display of affection, kasama rin po 'yan kasi alam naman po natin dahil nag-open for a while ang economy, marami pong namamasyal, marami pong mga tao na sadya talagang na-miss nila ang kanilang pagsasamahan. At of course, yung mga young professionals, it appears na sila po ang mataas ang bilang ng mga nahawahan nitong last week,

“We might probably as well advise them na medyo hinay-hinay pa rin ang kanilang exposure… Implementing the minimum public health safety protocol strictly including PDA is okay with me especially during this time of increased cases,” ang ani pa nga ni Usana.

Gayunpaman, paglilinaw nito ay hindi lamang para sa mga magkasinatahan ang naturang paalala ng PNP kundi pati na rin umano sa mga malalapit na magkakaibigan, magkapamilya, at iba pang mga grupo ng tao.


Kung mayroon umanong malasakit ang mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay, magkukusa na umano ang mga ito na mag-ingat upang hindi maikalat ang virus. Dagdag ani pa nga ng PNP spokesman,

“Couples, close friends very dear to each other, family clans and group of people showing their physical, social and romantic relationships in public, perhaps. Those are sights we can find especially when some commercial, tourism, and/or recreational establishments have reopened for them. 

“The virus may be right before them. Infection happens to families, it can happen to anyone, anywhere. People should maintain being cautious from the spread of the virus. And if you love your spouse, your children, you have to be aware of the minimum health and safety protocols.

“Sila na po ang magkusa maghiwalay properly in public.”

Ang paalalang ito ng PNP ay hindi na rin umano bago dahil dati na raw itong naipatupad ng gobyerno. Noon pa man umano ay bawal na ang mga gawaing ganito sa publiko dahil sa pagpapatupad ng social distancing.

Ayon dito, mula noong naipatupad ang mga protocol para sa pag-iwas sa COVID-19 ay isa na umano ang PDA sa mga ipinagbabawal. Dahil sa muli na namang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kinailangan daw na ipaalala pa rin ang mga tao ang ibayong pag-iingat kahit na sa muling pagbubukas ng mga establisyemento para sa ekonomiya ng bansa.. 

“This is a mere reiteration of previous advisory from the government… Kahit naman po since the start of the restrictions, bawal naman po ang mga PDA talaga, bawal po magtabi at magkakausap nang malapitan ang sinuman, bawal po ang pagpunta sa mga matataong lugar na nagsisiksikan ang bawat isa. 


“Alam po ng mga tao ang bawal po. Hindi naman po ito bagong news. Reiteration lang po ng implications ng pagkalat ng virus,” saad pa ulit ni Usana.

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment