Thursday, March 11, 2021

Kwento ng Isang Lalaking Nakakaubos ng 15 Extra Rice, Kinagiliwan ng mga Netizen


Sa kabila ng ilang mga hindi magandang karanasan ni Rod Eusebio dahil sa kanyang timbang, hindi ito naging hadlang upang maging positibo siya sa buhay. Sa pagsali nito sa ‘Bawal Judgemental’ segment ng GMA noontime show na Eat Bulaga, kinaaliwan ng host at ng publiko ang mga nakatawang kwento na ibinahagi nito.

Ayon kay Rod, 27 taong gulang, sisiw lamang umano sa kanya ang makaubos ng 15 extra rice sa isang kainan. Sa katunayan, sa lagay na iyan ay pinipigilan niya pa umano ang kanyang sarili. 

Maliit pa lamang umano kasi si Rod ay nakahiligan na nito ang pagkain ng marami kaya ganoon na lamang ang bigat ng kanyang timbang. Gayunpaman, sa kabila nito ay positibo pa rin si Rod sa buhay at hindi nagpapaapekto sa mga negatibong komento ng mga tao.

Minsan, isa raw sa mga naranasan niyang pangungutya ay nang sumakay siya sa isang jeep. Dahil sa kanyang timbang umano ay hinihingan siya ng pamasahe para sa dalawang tao. Imbes na umalma ay nagbayad na lamang din umano si Rod ng pangdalawang tao para wala nang ingay.

Ayon kay Rod, sinubukan naman umano nitong kontrolin ang kanyang pagkain ngunit, sa tuwing nakakakita raw ito ng pagkain ay para raw siya nitong hinihila. Kaya naman, natawa na lamang ang mga host sa kwentong ito ni Rod.


“Dumating sakin, Sir, ‘yung desisyon na mag-exercise. Pero sinubukan ko po ‘yung maglakad lakad po. Tas parang may nakita po akong karinderya, para pong hinihila. ‘Kumain ka rito! Kumain ka rito!’ Mina-magnet,” kwento pa nga ng constestant.

Agad na nakagaanang loob ng mga host si Rod dahil sa pagiging positibo nito sa buhay lalo na ng maikwento nito ang tungkol sa kanyang pagkain. Pagbabahagi pa nito, napakasarap raw kasi umanong kumain lalo na pag naka-kamay. Ani naman nga ng mga host, nakaka-gutom umano ang mga kwento nito.

“Banatan na kasi sir. Masarap po nakakamay lalo na kapag mayroong sawsawang kalamansi tsaka sili… kaya sasabihin sa akin ng mga kasamahan ko, ‘oy, tama na ‘yang chicken oil kasi pampa-highblood ‘yan, tama ng manok ‘yan ‘yung mantika’. Sai ko naman, ‘bakit? Ikaw ba mahahighblood? Di naman, ako e’,” pagbabahagi pa nga ni Rod.

Dito, kinagiliwan ng mga host si Rob na sagana sa mga kwento tungkol sa kanyang pagkain. Naibahagi rin ni Rod dito na bukod daw kasi sa mahirap ay mahal din ang mag-gym. Aminado rin ito na pagkain talaga ang nagpapasaya sa kanya.

Isa rin sa mga pinaka-kinaaliwan ng mga host na kwento ni Rod ay tungkol naman sa kanyang mga niligawan dating babae. Ayon kasi kay Rod, lahat daw ng mga niligawan niya ay mayroon ding karinderya. Minsan daw ay nagpaluto siya ng barbecue sa isa sa mga ito. Akala raw ng babae ay para sa kanilang lahat ang barbecue ngunit, sa kanya lang daw pala lahat ito.

Dahil naman sa magiliw na ugaling ito ni Rob kaya bumilib sa kanya ang mga host at ang publiko. Ani ng mga ito, nakakabilib daw na sa kabila ng mga hindi nito magandang pinagdaanan dahil sa mga pangungutya ay nagagawa pa rin nitong maging positibo at magbigay ng saya.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment