Thursday, March 11, 2021

Padyak Driver, Pinasalamatan ang Doktor na Gumamot sa Anak Nito Halos 10 Taon na ang Lumipas


Isang nakakaantig na tagpo sa pagitan ng isang doktor at ama ng dati nitong pasyente ang viral ngayon sa social media at umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizen.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Dr. Jimmy Dumlao, hindi nito inaasahan na maaalala pa rin siya ng isang pasyente na tinulungan nitong gumaling, halos sampung taon na ang nakakalipas. Ito ay ang anak ng isang pedikab driver na muli nyang nakatagpo sa Intramuros.

Ayon kay Doc Dumlao, isang padyak driver umano ang huminto sa kanyang harapan at bumati sa kanya. Noong una, hindi niya raw ito pinansin dahil hindi niya ito kilala. Ngunit, nagulat ito nang tawagin siya nitong ‘Doc’ at kalaunan ay sa kanyang pangalan. Pagbabahagi pa nito,

“Earlier this morning, while in the middle of Intramuros, a pedicab stopped in front of me. Then I heard the driver shout out, "Excuse me po, Ser". I initially just ignored the stranger. Then I got freaked out when I heard him shout "Good morning, Doc!" I didn't have a white coat or a stet or any identifying object which would say I was a doctor. So why did he call me "Doc"?

“Then he shouted, "Doc Dumlao!!". That was when I finally looked at him. All smiles sya, may kaway pa. "Doc, pasyente nyo po anak ko sa PGH!"”

Bagama’t labis nitong ikinagulat at ikinamangha ang pangyayari, nakaramdam din umano siya ng hiya dahil hindi niya ito matandaan. Tinanong niya naman ito tungkol dito at dito niya nalaman na naging pasyente niya raw ang anak nito noong 2010. Ayon kay Doc Dumlao, baguhang doktor pa lamang umano siya ng taong iyon sa PGH.


Dito, masayang ikinwento ng pedikab driver na nasa maayos nang kondisyon ngayon ang kanyang anak matapos nitong malampasan ang sakit na TB meningitis. Nagawa pa nga nitong kumustahin kay Doc Dumlao ang isa pang doktor na kasama nito noon habang ginagamot ang kanyang anak.

Sa kanyang Facebook post, inihayag ni Doc Dumlao kung gaano ito naantig sa ginawang pagpapasalamat at pag-alala sa kanya ng naturang ama para sa serbisyo nito ilang taon na ang lumipas. Ayon sa doktor, dahil sa mga espesyal na pagkakataong ito ay masasabi niyang sulit umano ang lahat ng kanyang mga pinagdaanang hirap sa serbisyo.

Pagbabahagi pa nga ni Doc Dumlao tungkol dito,

“It was an extremely inspiring and humbling moment for me. All my "big" worries became insignificant when I stood there in front of a father whose son was in their home, with developmental limitations no thanks to his TB meningitis…

“but nonetheless this father was expressing his happiness (after 8 years of providing..as a pedicab driver.. for all his son's special needs) because his son was alive, and was also so excited to send his thanks to his son's former doctor and that young doctor's senior.


“Oh, for the special, quick moments like this, the years of training and service in a government hospital become all worth the sleepless nights, blood, sweat and tears… In my mind, I said a little prayer. Salamat po, Diyos ko, at napagod at "nabugbog" kami sa PGH, kung ang kapalit naman ay ganitong mga tagpo.”


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment