Sunday, November 21, 2021

Bride sa Cebu, Viral sa Kanyang mga Prenup Shoot Matapos Magsuot ng Wedding Gown Kahit Wala Naman Siyang Groom!


Aliw ang hatid ng isang bride sa mga netizen social sa media matapos magsuot ng isang wedding gown ngunit wala naman siyang groom.

Kinilala ang bride na si Josaly Libra Canubas, taga Mandaue City. 

Ayon pa sa contributor na si Nexley Ramirez, mayroong nakatagong istorya umano sa likod ng pagsuot ng wedding gown ng isang bride kahit wala umanong groom.

Ayon dito, palagi raw siyang sawi sa pag-ibig. Binigay naman umano niya ang lahat ngunit masama pa rin ang naging kinalabasan nito.

Pangarap umano ng bride na makapagsuot ng wedding gown, ngunit ito ay malabo na umanong mangyari.

Kaya nga naman, nag prenup shoot siya ng solo at sinuot umano ang wedding gown para naman maranasan niya ang maging bride. 


Marami naman sa mga netizen ang pinapatibay pa ang loob ng nasabing bride. Ika nga ng marami, si Josaly ay isang strong and independent bride. 

Kaugnay ng kuwentong ito, maraming mga netizen ang nalungkot noon sa nag viral na video ng isang bride na umiiyak suot ang kanyang wedding gown matapos niloko siya ng kanyang wedding coordinator. 

Ang nasabing bride ay hindi idene-disclose ang kanyang pangalan. Ang babaeng nasa video ay taga Minglanilla, Cebu.

Na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.

Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.


Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.

"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer. 

Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.

Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.


Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.

Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator. 



Mula sa make-up artists, photo and venue, wala silang nakuhang bayad dahil na-scam sila ng wedding coordinator.

Basahin ang post ng videographer:

"Okay, Nagpakita pa ang coordinator sa Preparation then nawala rag kalit nya until sa church di na makontak, then paghuman sa ceremony diretso na sa Reception then pag abot namo sa Reception Venue (Unta) walay Venue kay Close and according to the person nga naa sa Venue, wala daw naka book nga event didto sa ilaha for reception. In short wala tanan, way Food, Way venue, way decor as in wala tanan. To make the story short gi Scam ang couple sa Coordinator and Fully Paid na daw tong wedding package. Kami suppliers, Make Up artist, Photo and Venue kay tabla pud. Wa pa man me ma bayri sa Coordinator. It's a Big Scam!"

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment