Monday, September 5, 2022

Tree-kangaroo na pinsan ng mga kangaroo na nakalakihan natin, kilalanin!

Mapalad tayong mga tao dahil sa napakaraming mga biyaya ni Inang Kalikasan sa atin. Maliban sa mga masasarap na prutas at magagandang mga halaman at bulaklak ay marami rin tayong mga pambihirang hayop na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nating pinag-aaralan.

Hindi man madali ang pag-aaral natin sa mga ito ay talagang nagsusumikap ang ating mga eksperto upang makakalap pa ng mga impormasyon patungkol sa kanila. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa isa sa pinaka-cute na hayop sa buong mundo lalo na kung kasama nila ang kanilang mga anak sa kanilang bulsa?

Ang mga kangaroo ang pambansang hayop ng Australia. Ngunit marahil ay hindi pa ito nakikilala ng lahat.

Malaki ang pagkakatulad nila sa mga regular na kangaroo na ating nakalakihan. Ang kaibahan lamang nila ay talagang fluffy o malambot ang kanilang balahibo at madalas na napagkakamalan din silang mga oso.

Madalas silang makita sa mga bundok o di kaya naman ay kagubatan ng northern Australia, Papua New Guinea, at Indonesia. Kakaunti lamang ang impormasyon patungkol sa mga hayop na ito na talagang napakailap.

Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, madalas silang mamataan na nakatira sa mga puno. Para silang mga lemur dahil sa panlabas nilang hitsura.

Malalakas din ang kanilang mga binti kahit na maiiksi lamang ang mga ito na ginagamit nila sa pag-akyat ng mga puno. Bihira mang mamataan ang mga tree-kangaroos na ito ay talaga namang marami ang nagkakaroon ng interes sa mga larawan nila.

Taong 2016 nang mayroong isilang na tree-kangaroo na nasaksihan ng mga nakahuli sa kanilang lahi at ito ay nangyari nang unang beses sa loob ng 36 na taon! Ilang mga interesanteng larawan pa ang makikita sa internet patungkol sa mga hayop na ito.

Nariyan ang mga larawan nila habang magkasama ang mga anak at magulang na tree-kangaroo. Mayroon din namang ilang mga larawan kung saan makikitang nagtatago sila sa mga puno o di kaya naman ay mayroong hawak hawak na pagkain.


No comments:

Post a Comment