Tuesday, October 25, 2022

Isang lalaki ang gumawa ng kompanya na nagbibigay ng “dog walking services” sa mga pet owners!

Lahat ng indibidwal na may alagang mga hayop at nagtatrabaho din ng full-time ang sasang-ayon na hindi biro ang pag-aalaga sa mga ito. Kahit pa gustuhin nating ilaan ang karamihan o lahat ng oras natin sa kanila ay magiging sobrang mahirap ito dahil sa ating “work schedules”.

Buti na lamang at mayroong grupo na kung tawagin ay Saratoga Dog Walkers na siyang nagseserbisyo ng “dog walking” sa mga oras na abala ang karamihan ng mga tao.

“Exercising a dog’s body and mind is the lifeblood to feed his soul.” ayon sa Instagram bio ng dog walking group na ito na nakabase sa New York.

Taong 2011 nang madiskubre ito ni Tim Pink, ang owner ng kompanya. Tinagurian niya itong “Midday Pack Walking”. Mula noon ay naging sobrang sikat na nito.

“Tim started the mid-day pack walk program in 2011 to help meet the needs of Saratoga’s dogs when they need it most-while owners are at work!” Ayon naman sa kanilang website.


Ilan lamang sa mga benepisyo ng araw araw na paglalakad ng mga aso ay ang nagagawa nilang makapag-ehersisyo, nakakasalamuha sila ng iba pang mga aso, at nakakatanggap sila ng pagmamahal at pagkalinga mula sa ibang tao. Dahil din dito ay mas nagiging “behave” sila, malusog, at “well-rounded”.

Nakakabilib din na kayang-kaya ng mga walkers na ilabas ang mga aso na ito nang sabay-sabay at nakakakuha pa sila ng magagandang mga larawan. Ang serbisyong ito ay tumatagal ng 45 minuto at nagkakahalaga ng $25 kada “walk” o nasa $100 sa loob ng isang linggo.

Ayon din sa kanila, sinisigurado ng “walker” na mayroong dalawang toilet breaks ang bawat aso kada “walk” nila. Kahit na umuulan o may niyebe pa ay walang problema dahil maaari pa rin silang makatanggap ng serbisyo na ito.

Tunay nga na hindi na mamomroblema pa ang mga pet owners kung may ganitong klase ng serbisyo sa kanilang lugar.


No comments:

Post a Comment