Tuesday, October 25, 2022

Isang napakacute na tuta ang pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa kakaiba nitong “bigote”?

Marahil noon ay talagang sikat na sikat ang pagkakaroon ng “handlebar mustache”. Isang uri ito ng style ng bigote ng mga kalalakihan kung saan mapapansin ang pagiging mature, makapangyarihan, at nakakatuwa ng kanilang personalidad.

Mukha kasing nakangiti palagi ang isang lalaking may ganitong klase ng bigote. Ngunit hindi lamang pala kalalakihan ang may ganitong klase ng “bigote” dahil isang aso sa Dallas Animal Services ang pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa cute at nakakatuwa nitong hitsura.

Ang ina ng aso na ito ay isang rescued dog at 11 silang mga tuta na anak nito. Isa sa labing-isang tuta na ito ang pinangalanan nilang Salvador Dolly.

Mayroon siyang marka sa kaniyang mukha na tila ba isang “classic handlebar mustache”. Dahil na rin sa napakaraming pinapanganak na mga tuta araw-araw sa animal shelter na ito ay kinakailangan na nilang maihanap ng bagong pamilya ang mga ito sa lalong madaling panahon.


Hirap na rin kasi sila pagdating sa pinansiyal na aspeto kung kaya naman talagang ganoon na lamang ang pagpupursige nilang mapaampon na ang karamihan sa mga aso doon. Buti na lamang at nakatagpo sila ng isang “foster home” na pansamantala munang kukupkop sa mga tuta at sa ina nila habang wala pang nag-aampon sa mga ito.

Nang ibahagi ng staff ang larawan ni Salvador Dolly ay talagang marami ang nakapansin dito. Marami rin ang nagmensahe sa kanila na nais nila siyang ampunin.

Umaasa naman ang shelter na mabibigyan din ng pagkakataong maampon ang iba pang mga tuta. Tunay nga na marami pa ring mga hayop ang nangangailangan ng pamilyang magmamahal at kakalinga sa kanila.

Hindi rin madali ang gampanin ng mga animal shelter na madalas ay kinakapos din ng pondo na pangtustos nila sa mga hayop na nasa kanilang pangangalaga. Kung kaya naman malaki o maliit mang tulong mula sa publiko ay lubos nilang ipinagpapasalamat.


No comments:

Post a Comment