Friday, October 14, 2022

Isang lalaki na kumakanta sa gitna ng kalsada, natulungan ng isang mabuting Samaritano!

Kamakailan lamang, isang Columbian national na nakilala bilang si Wara Rico ang nagbahagi ng kwento na ito ng isang lalaking nakita niya sa labas ng kaniyang bintana. Ayon sa kaniya, nakakita siya ng isang lalaki na mayroong dalang speaker habang nagtatanghal siya sa gitna ng kalsada.

Nag-rap at kumanta daw ang lalaki sa pagbabakasakali na kahit papaano ay kumita ng kaunting pera. Ngunit kahit isa sa mga ito ay walang nagbigay.

Nadismaya at nalungkot siya pabalik sa bangketa kung saan naroroon naghihintay ang kaniyang alagang aso. Yumakap ito sa kaniyang aso upang kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa nangyari.

“For me, it was a moment of love and loyalty. So much so that I went down to talk to him.” Pagkukwento ni Wara Rico.


Nang makausap niya ang “busker” ay nalaman niyang Anderson pala ang pangalan nito. Isa siya sa mga entertainer sa kanilang lugar na walang trabaho at sapat na kinikita.

Sa kabila nito ay nagagawa pa rin niyang mapakain ang kaniyang mga alagang aso na sina Mayte at Negrita. Dahil dito ay labis na naantig ang puso ni Wara Rico dahilan upang tulungan niya ito.

Dinala niya sa beterinaryo ang mga alaga niyang aso kung saan naman nila nalaman na malusog ang dalawa. Kasunod nito ay nagtungo naman sila sa isang recording studio kung saan binayaran din niya ang ginawang session ni Anderson.

Mula noon ay mas dumami na ang tagasubaybay ni Anderson sa kaniyang social media page at talagang mas naging maganda ang takbo ng kaniyang karera.

“I have faith that everything will change for the better,” Komento ni Wara Rico.

“No matter what life hits you with, keep going and give it love.” Dagdag pa nito.

Dahil kay Wara Rico ay nagkaroon ng mas maayos na buhay si Anderson kasama ang kaniyang mga alaga na sina Mayte at Negrito.


No comments:

Post a Comment