Marami sa atin ang aminadong “nature” at “animal lover”. Para bang napakasarap sa pakiramdam kapag napupunta tayo sa isang lugar kung saan makakakita tayo ng mga halaman at mga hayop.
Isa na marahil sa mga lugar na dinadayo ng marami mula noon hanggang ngayon ay ang mga zoo. Sa mga lugar na ito ay marami tayong makikita na mga hayop at maging mga halaman.
Malilibang at talagang matutuwa ka sa mga tanawin na iyong makikita. Maliban dito ay napakarami ding mga kakaibang hayop na talagang pupukaw sa iyong atensyon.
Katulad na lamang ng kwago o “owl” na ito. Ang Ural Owl na ito ma kinagigiliwan ng publiko ngayon ay mula sa Obihiro zoo sa Hokkaido Japan.
Ibinahagi ng ilang staff ng naturang zoo ang video na ito na talagang pumukaw sa atensyon ng publiko. Ang mismong nakapag-record ng video na ito ay walang iba kundi ang zoo caretaker na si Noda Sayo.
Ayon dito, ang kwago palang ito ay 17 taong gulang na at isang babae. Nang naghahanap nga ito ng makakain ay bigla na lamang siyang nauntog sa isang kahoy.
Kung mapapansin ang kaniyang mukha ay tila ba talagang nasaktan ito ngunit paliwanag ni Noda na mayroon itong makakapal na balahibo na siyang nagprotekta sa kaniyang ulo. Sinigurado din niya na wala itong tinamo na kahit ano mang sugat.
Maayos na maayos naman ang kalagayan ng kwago at nagawa din nitong makakain ng maayos pagkatapos ng munting insidente. Tunay nga na maraming kaganapan sa ating mga buhay sa araw-araw.
Mayroon tayong nagagawa na tama, mayroon namang mali. Ngunit katulad nga ng nangyari sa hayop na ito, nagkamali man siya ng tantya at nasaktan, ang mahalaga at natuto siya sa pagkakamali niyang ito.
At tiyak na sa susunod ay hindi na siya masasaktan pang muli. Ikaw, minsan ka na rin bang nasaktan at nag-move on?
No comments:
Post a Comment