Tuesday, October 25, 2022

Isang cute na tuta tila nais protektahan ang kaniyang amo na gumagawa ng modyul nito sa lansangan!

Nitong mga nagdaaang buwan, talagang mas marami sa atin ang naghigpit ng kanilang mga sinturon. Ito ay dahil sa tuluyang pagtaas ng dolyar kontra piso at walang humpay na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Nakakalungkot isipin na mas naghihirap at mas nahihirapan pa ang mga mahihirap sa ngayon dahil sa sitwasyon nating ito. Ang tanging sagot na lamang ng marami upang makaahon sa kahirapan ay ang pag-aaral ng mabuti.

Edukasyon kasi ang isa sa mga maaari nating maging sandata upang kahit papaano ay makaahon sa kahirapan. Marahil ay ito rin ang dahilan ng maraming mga kabataan ngayon kung kaya naman marami sa kanila ang patuloy pa ring nagsusumikap sa pag-aaral sa kabila ng maraming pagsubok.

Magandang halimbawa ang batang ito na kahit sa tabing kalsada ay nagsasagot ng kaniyang mga modyul dahil dito may kaunting liwanag. Pumukaw din sa atensyon ng publiko ang isang maliit at cute na tuta na tila ba todo-bantay sa kaniyang amo habang nagsasagot ito ng aralin.

Hinangaan ng maraming mga netizens hindi lamang ang kasipagan ng bata kundi ang ginagawang pagprotekta sa kaniya ng kaniyang alagang aso. Inulan ito ng papuri at positibong reaksyon mula sa publiko. Ilang mga netizens din naman ang nagparating ng pagnanais nilang matulungan ang bata at ang kaniyang alaga kahit sa simpleng paraan na makakaya nila.

Tunay nga na kahit gaano pa kabigat ang dalahin natin sa buhay, kahit gaano pa kahirap ang ating sitwasyon sa ngayon ay darating din ang panahon para sa atin. Panahon na kung saan mas gagaan na ang ating buhay dahil na rin sa naging pagsusumikap at pagtitiyaga natin tulad na lamang ng batang ito kasama ang kaniyang munting kaibigan.

Maaaring maliit siya sa ating paningin ngunit napakalaki ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang kaibigan na ito. Nawa ay mas makatanggap pa sila ng mas maraming biyaya mula sa mga taong may busilak na puso.


No comments:

Post a Comment