Thursday, July 16, 2020

Angeline Quinto, Napamura Dahil sa Nabigong Franchise Renewal ng ABS-CBN


Hindi na naawat pa ang Kapamilya artist na si Angeline Quinto na mapamura sa lumabas na desisyon ng kongreso tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Nito lamang Biyernes, ika-10 ng Hulyo, lumabas na ang desisyon ng House of Representatives tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN. Sa botong 70-11, mas nanaig ang mga congressman na tumanggi sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Matapos lumabas ang desisyon, umulan agad ang mga dismayado at malungkot na pahayag ng mga artista at mga taong sumusuporta sa naturang TV network. Marami ang nalungkot para sa mga artista at empleyado ng ABS-CBN na pinangangambahang mawawalan ng trabaho dahil sa pagkabigo ng network na marenew ang kanilang prangkisa.

Isa na nga sa mga artistang hindi naitago ang emosyon at pagkalungkot sa naturang desisyon ay si Angeline. Sa Twitter, magkasunod na inilabas ni Angeline ang kanyang saloobin tungkol sa nangyaring denial sa prangkisa ng TV network na kanyang naging tahanan.



“Hindi pa aq nakaka move on sa lovelife, pinatay niyo nanaman aq,” ani pa ni Angeline.

Sa sumunod niyang Twitter post, hindi na napigilan pa ng singer na magmura dahil sa labis itong nasaktan at dinamdam ang naging resulta ng kanilang ipinagalalaban. Saad nito,

“Hindi aq perpektong tao. Nasasaktan po aq. Hihingi napo aq ng tawad sainyo. PUTANG INA! ginawa niyo sa aming lahat.”

“Okey na ho. Naipasara na ang Abs-Cbn. Dun na po tayo sa totoong problema ng bansa. Ung mga nawalan ho ng trabaho, ung bawat pamilya ho na hindi alam paano bukas. At lalo ho sa Covid paano na ho natin ito susulosyunan,” dagdag pa ng singer.

Dahil sa naging prangka at diretsahang pahayag na ito ni Angelie, agad naging trending ang singer sa Twitter at umani ng maraming opinyon ang kanya umanong pagmumura sa kanyng Twitter post.



Marami sa mga netizen na ito ang hinangaan ang singer dahil sa lakas umano ng loob nito sa paglalabas ng kanyang saloobin. Karamihan sa mga ito ay naiintindihan ang nararamadaman ni Angeline kaya hindi na nito napigilan pa na magmura.

Heto ang ilan sa mga pahayag ng mga netizen na sumusuporta kay Angeline:

“Kung pangulo nagmumura tayo pa kaya?? Ano ‘yun s’ya lang marunong murahin tayo? Dapat nga sabay2x nating murahin lahat ng pulitikong nagpapahirap at tuta ng Tsina!”

“Ikaw ang tunay na tagapagmana ni Ate Reg! Mahal ka namin. Salamat sa talak! Ganyan na ganyan rin ang saloobin ko.”

“Rinig ko ang G#5 na birit sa pagmumura mo teh… hahaha… May rason lahat ng nangyayari… Papasaan ba darating din ang bagong umaga… Kapit lang teh. hHndi ito ang katapusan. Magbubukas muli ang ABS-CBN naniniwala ako! #IbalikAngABSCBN”


Gayunpaman, sa kabila ng mga positibong reaksyon na natanggap ni Angeline ay hindi rin maiwasan na mayroong mga taong salungat ang naging reaksyon sa kanyang ginawang pagmumura sa kanyang Twitter post.

Heto naman ang ilan sa mga negatibong reaksyon ng mga netizen sa ginawang pagmumura ni Angeline:

“Gusto ko ibalik sa’yo ang mura mo. Ngayon nakikita tunay na pagkatao niyo.”

“Idol pa naman kita sa ganda ng boses mo. Kaso nakaka dismaya ka naman pwede ka naman maghayag ng saloobin ng di ka sana nagmumura kasi di maganda basahin. God Bless.”

“Ghorl, kalma sa mura. Ang mga endorsements mo baka mawala. May GMRC clause ang contracts mo.”

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment