Thursday, July 16, 2020

Ivana Alawi, Denedma ang Mayamang Manliligaw na Nais Siyang Isakay sa Private Jet


Isa si Ivana Alawi sa mga artistang maituturing na may pinakamagandang mukha at katawan sa showbiz. Patunay dito ang napakaraming taga-hanga ng aktres mapa-social media man o sa totoong buhay.

Kaya naman, hindi na kataka-kataka kung kaliwa’t-kanan ang mga mga lalaking nanliligaw kay Ivana. Maituturing na ngang ‘crush ng bayan’ ang 23 taong gulang na aktres dahil nasa kanya na umano ang lahat ng maaaring hanapin ng isang lalaki. Bukod kasi sa ganda ng mukha ay marami rin ang makakapagpatunay sa kagandahang loob na meron ang aktres.

Maliban dito, marami rin ang nagulat na si Ivana pala ay hindi basta-basta dahil ito lang naman umano ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng kanyang yumaong ama. Ngunit, kahit kailan ay hindi ito ipinagyabang ng aktres.

Maliban sa kanyang paglabas sa telebisyon, mas nakilala pa ng publiko si Ivana sa kanyang mga vlogs sa kanyang Youtube Channel. Dahil sa kanyang kasikatan, isa si Ivana sa mga vloggers na umani ng pinakamaraming views at subscribers sa loob lamang ng maikling panahon.


Sa isa nga sa mga vlogs na ibinhagi ni Ivana, mayroon itong nabanggit tungkol umano sa isa sa kanyang mga manliligaw. Kahit na maraming humahanga kay Ivana, wala pa namang naibabalita na naging opisyal nitong karelasyon at bukas naman ang dalaga sa pagsasabi na ito ngayon ay ‘single’.

Ayon kay Ivana, ang naturang manliligaw na kanyang tinutukay ay isa umanong mayamang lalaki. Madalas umano siyang i-message nito sa Instagram hanggang isang araw, inimbita umano siya nito na pumuntang Japan.

Dagdag pa ng lalaki, susunduin umano nito si Ivana gamit ang kanyang private jet. Ngunit, agad umano na tumanggi rito ang aktres.

“Parang nagki-crave ako… nagpost ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, ‘Pwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos, punta tayo ng Japan… tapos kain tayo dun’....

“Tapos, parang ako… sa tingin mo sasama ako sa’yo paunta ng Japan dahil lang may jet ka? No!


“Ni -reject ko ‘yun. Ang yabang! Hindi siya bongga. Mayabang! Pinakamayabang ‘yun,” pagkukwento pa ni Ivana.

Ayon kay Ivana, hindi umano siya nahuhulog sa mga lalaking katulad ng naturang manliligaw niya. Hindi umano siya ang klase ng babae na masisilaw sa kung anumang yaman meron ang taong iyon. Aniya, mas gugustuhin niya umano ang simpleng panliligaw ngunit tapat ang intensyon kaysa ‘dun sa mga lalaking ipinagmamayabang umano ang yaman.

Mukha man umanong modernong babae si Ivana, mas pipiliin pa rin nito ang simpleng klase ng panliligaw kung saan, nakikita nito ang katapatan ng isang tao. Payo niya pa nga sa mga lalaki na posibleng manligaw sa kanya,

“Eto lang masasabi ko. Hindi porke’t may pera ka, makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes, you just have to be good to people. You have to be friendly…


“Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke’t ‘Ay may jet ako’, lahat ng babae sasama sa’yo…

“Mas gusto ko po ‘yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo… kwekwek. Pero ‘yung yayabangan mo ako? Ay! Ni-reject ko talaga.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment