Tuesday, July 14, 2020

Bela Padilla, Naghain Ng Reklamo Sa Isa Niya Umanong Stalker-fan


Pormal na inireklamo at sinampahan ng kaso ng aktres na si Bela Padilla ang isa niya umanong stalker-fan na nagpumilit pumasok sa kanyang tinutuluyang condominium unit sa Mandaluyong City.

Ang stalker-fan na ito ni Bela ay isa umanong 33 taong gulang na lalaki at taga-Paranaque City. Nito lamang ika-13 ng Hulyo, Lunes, pumunta si Bela sa Fiscal’s Office ng Mandaluyong upang ihain ang kasong ‘unjust vexation’ laban sa naturang stalker-fan.

Ayon sa kwento ni Bela, ika-9 ng Hulyo umano nang sinundan ito ng naturang lalaki sa parking lot ng kanyang tinitirhang condo. Matapos nito, isa umanong lalaki ang nagpanggap sa guard ng naturang condo bilang kaibigan at dating kaklase umano ng aktres.

Gusto umanong umakyat ng naturang lalaki sa unit ni Bela ngunit, dahil hindi ito kilala ng aktres ay pinigilan ito ng guard ng building. Nagpakilala umano ang lalaki bilang dating kaklase ni Bela sa Davao, ngunit, ayon kay Bela ay hindi umano siya naga-aral sa Davao.


Heto ang ilan sa naging sanaysay ni Bela sa kanyang inilabas na complaint affidavit:

“Kararating ko lang sa bahay. Habang naghahapunan ako at nasa loob ako ng kwarto ko ay pina-park ko na sa aking driver ang aking kotse. Maya-maya ay tinawagan ako ng driver, at para pauwiin na siya kaya umakyat na siya para iabot na sa akin ang susi ng kotse…

“Pagkaabot sa susi, wala pang limang minuto ay tumawag sa amin yung guard para sabihin na may aakyat daw na bisita para surpresahin ako kaya tinanong ko kung sino siya…

“So sinabihan ko na yung guard na huwag muna paalisin at kunan ng picture yung ID niya. Ipinakausap ako ng guard sa kanilang chief security guard dahil nagpupumilit na itong gustong umakyat at tinatanong na sa akin kung papapasukin ko daw.

“Kaya nag-request na ako na tumawag ng barangay dahil hindi ko kilala ang lalaki at natakot na ako kaya tumawag na sila sa Barangay Wack Wack."


Ayon sa aktres, mayroon pa umanong dalawang lalaki na kasama ang umano’y kanyang stalker-fan. Matapos umano ang ilang minuto ay nagpupumilit at ayaw pa ring umalis ng naturang lalaki kaya inabisuhan umano siya ng kaibigan na manatili muna sa unit ng kanyang kapitbahay.

Ilang sandali pa ay tuluyan na rin umanong napaalis ng guard ang naturang lalaki ngunit, hindi pa dito natatapos ang pag-gambala nito sa aktres.

Ayon kay Bela, tumawag umano sa kanya ang kanyang hairstylist upang ipaalam ang tungkol sa isang lalaki na nagme-message dito tungkol kay Bela. Ayon sa kanyang hairstylist, gusto umano ng naturang lalaki na makita si Bela at sinabi pa umanong mahal na mahal nito ang aktres.

Nang tanungin ng hairstylist ang pagkakakilanlan ng lalaki, iisa lang rin ito sa lalaking nagpumilit na pumasok sa unit ni Bela.


Dahil dito at sa payo na rin ng kanyang mga kaibigan ay nagdesisyon si Bela na idulog na sa mga pulis ang nakakatakot na ginawa ng kanyang stalker-fan.

Bago pa umano pumunta ng piskal si Bela upang magsamapa ng kaso, ipina-blotter na muna ng aktres ang lalaki sa Mandaluyong Police Station nitong ika-10 ng Hulyo.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment