Wednesday, July 15, 2020

Sheryl Cruz, Inireklamo Ng Kaibigan Na Inutangan Umano Nito Ng Pera


Isang alyas ‘Alex’ ang lumapit kamakailan lang sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang artistang si Shery Cruz tungkol umano sa pagkakautang nito sa kanya noon pang eleksyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran.

Si alyas ‘Alex’ ay isa umanong OFW at may maayos na propesyon sa ibang bansa. Ayon sa kanya, naging magkaibigan umano sila ni Sheryl lalo na noong eleksyon kaya ito nagmagandang loob na tulungan ang kaibigan sa pag-abuno ng pondo sa pangangampanya dati ni Sheryl.

Sa nakaraang eleksyon, tumakbo ang aktres na si Sheryl bilang konsehal sa Tondo ngunit, hindi ito nanalo. Ayon kay alyas ‘Alex’, noong una ay ‘funded’ naman umano ang kampanya ni Sheryl ng isang anonymous na tao ngunit, nang malapit na ang eleksyon ay bigla na lamang itong natigil. Confidential umano ang rason ng pagtigil sa naturang funding kaya hindi ito maibahagi ni alyas ‘Alex’.

“Meron pa pong remaining projects na hindi pa naituloy and since, ayaw naman po namin na magalit po ‘yung mga tao sa kanya kasi malapit na po ‘yung election day so… pinush through po namin ‘yung projects…


“And then, ako po ‘yung nagbayad dun sa projects and at the same time, meron pong ilang days na ako po ‘yung nagpapasweldo na po doon sa mga tao po na nagwowork under po sa kanya,” kwento pa ng nagrereklamo.

Sinubukan namang kunin ng programa ang panig ni Sheryl at makausap ito ngunit, ayaw umano nitong magsalita tungkol sa naturang isyu. Ayon sa kanya, kilala niya umano si alyas ‘Alex’ at hindi umano ‘hiram’ ang tawag sa perang kanilang pinag-uusapan dito. Mayroon na rin umanong kinuhang abogado ang aktres upang ayusin ang naturang isyu ngunit, nasa bakasyon umano ito ngayon.

Ayon kay alays ‘Alex’, bukod sa pinagtataguan umano siya ni Sheryl, lumalabas din na sinisiraan ito ng aktres dahil sinasabi umano nitong galing naman daw sa masama ang naturang pera na galing kay alyas ‘Alex’.

Inintindi niya umano ang aktres sa mga panahong hindi ito makapagbayad dahil nang matapos ang leksyon ay wala pa umano itong project. Mayroon din umano silang napag-usapan ni Sheyl na ito mismo ang nagsabi na babayaran niya paunti-unti ang perang hiniram nito sa kaibigan.

Ngunit, nang muli itong pinaalalahan ng kaibigan tungkol sa kanyang utang noong mga panahong mayroon na itong regular na tarabaho, hindi na umano siya pinansin ni Sheryl. Iniwasan pa umano siya nito nang minsan siyang pumunta sa taping ng aktres.


Hindi rin umano siya pinapasok ni Sheryl sa kanilang subdivison at ipinaharang ito sa guard. Magbibigay lamang umano sana ito ng sulat upang legal na maayos ang kanilang problema ngunit, umiiwas umano sa kanya ang aktres.

Ang masakit pa umano dito ay umabot sa puntong sinisiraan ni Sheryl ang kanyang pagkatao. Kung gugustuhin umano ni alyas ‘Alex’ ay mayroon rin naman umano siyang alam na mga bagay na ikakasira ni Sheryl ngunit,

“Ayoko dumating kami sa ganyang part, sir Raffy, na magsisiraan. It’s not my thing.”

Kung gusto niya umanong masira ang aktres, sana raw ay dati niya pa itong ginawa ngunit, hindi niya ito ginawa dahil hindi umano siya ganoong klaseng tao. Kaya naman, mensahe ngayon ni alyas ‘Alex’ kay Sheryl,

“If may lawyer ka, then sana before pa because I already gave you almost a year and a half. And then, with regards to my credibility, para naman tayong walang pinagsamahan to say na you have someone to discredit me. And alam mo naman kung ano ‘yung mga ginawa ko for you and alam mo naman kung hanggang saan ‘yung extent ng help na binigay ko for you…


“Alam mo naman ‘yan, ilang beses na kitang minessage na I wanted to settle everything in a legal way, matagal na… last year pa. Pero ikaw ‘tong umiiwas, hindi nagrereply, and parang kinalimutan mo na na meron kang something na kulang sa akin.

“Though the money, sige. Kung di mo babayaran, for me , it’s okay. Pero sana lang, you would say the truth and ‘wag ka nalang gumawa ng other things na hindi ko naman ikakasira kasi hindi naman ako public person.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment