Sunday, July 19, 2020

BREAKING NEWS: Michael V., Positibo sa COVID-19


Malungkot na balita para sa lahat lalong lalo na sa mga kaibigan, pamilya at taga-suporta ni ‘Bitoy’ Michael V. ang paglabas ng reulta ng kanyang swab test kung saan, lumalabas na positibo ang komedyante sa COVID-19.

Sa inilabas nitong vlog nito lamang Lunes, ika-20 ng Hulyo, ibinahagi ni Bitoy ang naging journey nito mula nang magkaroon ito ng hinala na maaari itong positibo sa COVID-19.

Sa mga nakaraang vlog ng Kapuso comedian, mapapansin na ang sipon at madalas nitong pag-ubo na isa sa mga sintomas ng coronavirus disease 2019. Ang pagkakaroon ni Bitoy ng flu-like symptoms ang naging dahilan ng paga-isolate nito sa kanilang bahay.

“Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online, I got better the following day,” pagkukwento pa nito.


Upang makasiguro, hindi na nakikisalamuha si Bitoy sa ibang mga tao sa kanilang bahay kabilang na ang kanyang pamilya at nananatili na lamang sa kanyang studio.

Sa ikalimang araw ng isolation ni Bitoy, isingawa na ang swab test rito kung saan, ibinahagi niya rin sa kanyang vlog ang naging proseso. Mula sa pasilidad na kanyang pinuntahan at sa pagkuha sa kanya ng specimen ay dokumentadong lahat ni Bitoy.

Ayon sa kanya, ang buong proseso umano ng swab test ay umabot ng mahigit sa limang oras. Mahigit sa Php 12 000 naman umano ang nagastos ni Bitoy sa lahat ng ito.

Habang naghihintay sa resulta, ibinahagi ni Bitoy ang mga pinagdaanan nito sa bawat araw na lumilipas. Ibinahagi nito ang pagkawala umano ng kanyang pang-amoy at maging ang kanyang panlasa sa mga pagkain.

Bagama’t gustong maging positibo, alam ni Bitoy na malaki ang posibilidad na positibo nga ito sa COVID-19 kaya naman hindi niya ito ipinagsasawalang-bahala.


Ibinahagi rin ni Bitoy sa mga manonood ang hirap umano ng kanyang pinagdadaanan kung saan, kahit nasa iisang bahay ay hindi niya umano mayakap o makasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Hindi na nga rin nito napigilang maging emosyonal dahil sa mga nangyayari. Saad pa nito,

“Nakakainis lang isipin na parang… ang lapit-lapit nila, nasa kabilang kwarto lang and yet, di mo sila mayakap, di mo sila mahalikan. I feel bad but, hopefully we’ll get through this. Hopefully everything will be okay…”

Sa ikawalong araw ng isolation ni Bitoy, dumating na sa wakas ang resulta ng isinagawa ritong swab test. Nakakalungkot man, ang resulta nito ay nagsasaad na positibo nga si Bitoy sa COVID-19.

“SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected, so it's positive right now. Fever na lang, yung loss of smell nare-regain ko na siya…

“Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko and…  I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID. Pero, I was also praying na sana wala, sana allergy lang or something. But it turns out… yeah.


“Itutuloy lang natin mga sinabi satin na mga kailagan gawin and we'll get through this. We've been through worse. Sobrang namimiss ko na yung pamilya ko,” ani pa nito.

Malungkot man, nagpapasalamat pa rin ito sa mga taong sumusuporta at nagdarasal para sa kanya. Nagpapagaling pa rin si Bitoy ngayon at humihingi ng dasal mula sa publiko lalo na sa mga tagahanga nito para sa kanyang paggaling mula sa COVID-19.

Source: gmanetwork
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment