Sunday, July 19, 2020

Isang Aktres, Umiekstra sa Pagtitinda nito ng mga Kakanin: “Eh, ano naman ngayon… ano problema dun?”


Hindi na bago para sa mga celebrity sa panahong ito na mayroong pandemya ang maghanap ng ibang mapagkakaabalahan o mapagkakakitaan habang apektado pa ang industriya ng showbiz.

Kabilang din kasi ang mga artista sa mga taong lubos na apektado ng mga pangyayaring ito bunsod ng COVID-19. Bilang pag-iingat, ilang mga programa at taping ang pansamantalang natigil. Ang nakakalungkot pa rito, mayroong ibang mga programa na tuluyan na talagang ipinahinto.

Isa ang komedyanteng si Galdys Reyes sa mga artistang hindi nahihiya na sumubok ng bagong mapagkakakitaan ngayong panahong ito na apektado ang kanyang trabaho.

Magiliw na ibinahagi ng komedyante sa social media na ang pagluluto ng kakanin ang kanya ngayong bagong pinagkakaabalahan at hanap-buhay. Nagtitinda ngayon ang komedyante ng mga kakanin tulad ng salted eggs, cheese puto, at palitaw yema na siya mismo ang naghahanda at nagluluto.


Isa sa pangunahing hanapbuhay na pinagkukunan ng pera ni Gladys ay ang pagtatanghal sa mga comedy bar kagaya ng Zirkoh at Klownz. Ngunit, nang ianunsyo ni Allan K, ang may-ari ng Zirkoh at Klownz, na permanente nang magsasara ang mga comedy bar niyang ito, isa si Gladys sa mga pinakanalungkot.

Nangangahulugan din ito na hindi lamang si Gladys ang mawawalan ng trabaho kundi ang iba pang mga tao na nagtatrabaho rin sa naturang comedy bar.

Kaya naman, malaking tulong ngayon para sa komedyante ang pagiging madiskarte at pagsubok sa iba’t-ibang mga bagay upang kumita. Ayon kay Galdys, masaya rin naman umano ito sa kanyang pagtitinda at pagluluto dahil aniya, maliban sa hilig, dati pa man umano ay nais niya na talagang subukan ang naturang hanapbuhay.

“Ate, hindi pa uso ang COVID balak ko nang magtinda ng barbecue sa harap ng bahay ko. Hindi lang pwede kasi mga kapitbahay ko… congressman, senators, mayors! At kaya ako umalis ‘dun, hindi inaabot ng ayuda. Bw*sit,” pagbabahagi pa ni Gladys.


Dagdag pa umano na nagpapasaya sa kanya ay sa tuwing nasasarapan umano ang kanyang mga customer sa kanyang nilulutong mga kakanin.

Ngunit, sa kabila nito ay hindi rin maiiwasan ang panghuhusga ng mga tao sa ginagawang ito ni Gladys lalo na’t isa umano itong artitsa. Sa kanyang Facebook account, mayroong ibinahagi ang komedyante tungkol umano sa isang babae sa talipapa na hinusgahan si Gladys dahil sa pagtitinda nito.

Ayon kay Gladys, hindi umano makapaniwala ang naturang babae sa kanyang bagong diskarte. Kwento pa nito,

“Sabi ‘nung kausap ko sa talipapa kanina, ‘Ha? Eh, diba artista ka? Bakit ka nagtitinda ng palitaw?’ Eh ano naman ngayon, ate? Naisip mo pa ‘yun? Ang requirement ba sa pagtitinda, kailangan hindi artista?

“TaranTula pala ‘tong si ate, eh. Hahaha! Gusto ko pa nga magtinda ng turon, halo-halo, ginataan, totong, lumpiang sariwa, pansit, at lumpiang pritong gulay. Ano problem ‘dun?


“Ikaw nga ate, nakatayo ka lang sa talipapa… nakikipag-tsismisan ka sa tindera. Hahaha!”

Hinuhusgaan man ng iba, ang gingawa ni Gladys at ng iba pang mga artsita na dumidiskarte ngayon upang kumita ay isang magandang halimbawa na huwag susuko sa buhay sa kabila ng mga pinagdadaanan.

Walang masama sa pagiging madiskarte at pagsubok ng ibang bagay na pwedeng pagkakitaan lalo na’t hindi naman ito nakakasakit o nakakatapak ng ibang tao.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment