Thursday, July 16, 2020

LOOK: Mysterious IG stories ni Clint Bondad, Ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray


Iba’t-ibang mga opinyon ngayon ang lumalabas sa social media patungkol sa umano’y nais na ipahiwatig ni Clint Bondad, ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, sa kanyang mga misteryoso at nakakabahalang mga Instagram stories.

Mula umaga ng ika-16 ng Hulyo ay trending na si Clint sa social media dahil sa kanyang magkasunod-sunod na mensahe o pahayag sa Instagram. Maraming mga netizens ang hindi maiwasang maguluhan sa umano’y mga ‘codes’ na inilabas ni Clint.

Gayunpaman, malaki ang paniniwala ng mga netizen na ang mga ito umano ay mayroong malaking kinalaman sa kanyang ex na si Catriona at sa kasalukuyan nitong karelasyon na si Sam Milby.

Heto ang ilan sa mga ‘screenshots’ ng umano’y nakakabahalang IG stories ni Clint:






Karamihan sa mga opinyon na inilabas ng mga netizen tungkol dito ay ang pagkakaroon ng takot para umano sa pinagdadaanan ngayon ni Clint. Anim na taon ang itinagal ng relasyon ni Clint kay Catriona bago tuluyang naghiwalay ang dalawa noong 2019. Ngayong taon naman ay inanunsyo ni Sam sa publiko ang umano’y namamagitan sa kanila ni Catriona.

Ayon sa mga netizen, maaari umanong labis na nasaktan si Clint sa pagtatapos ng kanilang anim na taong relasyon ni Catriona kaya nahihirapan itong tanggapin ang nangyari. Isa lamang ito sa marami pang mga teorya na ang inilabas ng mga netizen na umano’y siyang tunay na ipinahihiwatig ni Clint.

Ngunit, bagamat marami ang nag-aalala dito, mayroon ding iba na natatakot sa maaaring ibig sabihin ni Clint sa publiko. ‘Disturbing’ at ‘cryptic’ umano ang mga mensahe na ibinahagi ni Clint na posibleng nangangailangan ng seryosong atensyon.

Heto pa ang ilan sa mga opinyon na ibinahagi ng mga netizen tungkol dito:

“So I got really disturbed about all these posts so I checked his stories and there's really a message I believe so upon curiosity I tried to decode and what I noticed are the capitalized letters... also, all the words starting with S are emphasized . . . this is creeping me out.”




“Clint’s creepy IG stories could be a cry for help? Clearly he’s going through something... but whether or not Cat cheated on him I feel like it’s so wack for him to act entitled? When Cat can choose whoever she wants to. Lol this is why so many women are scared of rejecting men.”

“The person is in depression, please dont judge him, it's very hard to feel like that. Hopefully someone will help him or reach him.”

“I think Clint Bondad hacked something on the internet and caught Sam Milby and now he's trying to expose him. This guy is something. But he needs help. I hope Catriona will do something.”

“I wanna see how the story between Clint Bondad, Catriona Gray, and Sam Milby will unfold. What if Clint is telling the truth? Or what if Catriona made the right decision by breaking up with him? Don't judge someone until you know the full story.

“Clint bondad felt betrayed I think... Look, seems like both Catriona and Sam's friends knew about their relationship for so long. Maybe the rumors are true, that Cat cheated on Clint.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment