Monday, July 20, 2020

DJ Loonyo, May Sagot na sa mga Ibinabato sa Kanyang Alegasyon ni Aika Flores


Matapos umani ng iba’t-ibang mga opinyon at kabi-kabilang pambabatikos si Rhemuel Lunio, o mas kilala sa tawag na DJ Loonyo, matapos ang mga rebelasyon ng isang Aika Flores, mayroong inilabas na pahayag ang kanyang panig bilang sagot umano sa naturang mga alegasyon.

“First and foremost, DJ Loonyo conducted an interview to share intimate and publicly unknown details about his life for the coverage, with the request to omit or leave out some sensitive parts, particularly pertaining to his son. We, as a management and team, signed a contract allowing the program to enhance certain aspects of his life, because it is still, in fact, for a dramatic TV show retelling,” panimula pa ng panig ng dancer.

Ayon dito, kasama umano nila ang writing staff ng programa sa desisyong limitahan ang ilang bahagi ng storya kung saan natatalakay ang love story dati ni Loonyo.

“We worked together with the writing staff to limit the references to the past love story, and asked to change name references, or as much as possible, edit out parts that were not as true to life…


“We understand that in this situation, no one can really be truly fulfilled, because in situations like this, emotions run high and there is really the chance that someone can speak negatively,” paliwanag pa umano ni Loonyo.

Kaya naman, kaugnay nito ay humihingi umano ng tawad ang panig ng dancer para sa mga tao na na-offend sa paraan ng pagbabahagi ni Loonyo ng kanyang storya. Wala umano silang intensyon na makasakit o maka-offend lalo na sa bahaging tungkol sa kanyang namayapang anak.

Naiinindihan din umano nila ang mga negatibong opinyon na inilalabas ngayon ng publiko patungkol sa dancer. Ngunit, hindi man umano perpektong tao si Loonyo, ayon dito ay hindi naman umano tama na basta na lamang maglabas ng mga masasakit na salita ang publiko lalo na’t hindi naman umano alam ng mga ito ang tunay na pangyayari.



“When our team agreed to give the show the rights to air and retell the story of his life, it was not done with malice or selfish intent, but ultimately to show the viewers that no matter how bad things may go in your life, there will always be a reason to keep fighting and striving, and hopefully, God will give you His grace in the end,” mensahe pa ni Loonyo at ng kanyang panig.

Matapos ipalabas sa ‘Magpakailanman’ ang umano’y storya ng buhay ni Loonyo, isang Aika Flores ang lumabas kung saan, mayroon itong inilabas na mga pahayag tungkol sa ibinahaging storya ng dancer.

Sa mga pahayag na inilabas ni Aika, isinasaad nito na naging sinungaling umano ang dancer sa pagbabahagi ng storya ng buhay nito na malaking kabaliktaran umano sa mga tunay na nangyari. Hindi umano nito nagustuhan ang paggamit ni Loonyo sa kanilang namayapang anak gayong hindi naman umano ito naging mabuting ama.


Maliban dito, mayroon pang ibang mga kaibigan at kakilala sini Aika at Loonyo ang naglabas rin ng mga pahayag kung saan, pinatotohanan nila ang bersyon ng kwento ni Aika. Isinaad ng mga ito na naging saksi umano sila sa paghihirap ni Aika sa kanilang anak matapos itong iwan ni Loonyo at magbuhay binata sa telebisyon.

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment