Napakahalaga ng pangalan para sa lahat ng tao dahil ito ang pinakaunang natatandaan sa isang pagkakakilanlan.
Kaya naman, maraming mga magulang ang mayroong iba’t-ibang ‘trip’ umano pagdating sa pagpili ng pangalan ng kanilang mga anak. Dahilan ng karamihan sa mga ito, nais nilang maging bukod-tangi, kakaiba, at walang kapareha ang pangalan ng kanila umanong mga anak.
Mayroong iba na pinipiling simplehan lamang ang pangalan o iyong mga pangkaraniwang pangalan lamang ang pinipili.
Sa iba naman, ang pagpapahaba ng pangalan ang pinipili dahil ito umano ay mas kakaiba at bihirang magkaroon ng kapareha.
Kagaya na lamang ng viral post na ito ngayon sa Facebook kung saan, hindi lamang kakaiba ang pangalan na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang.
Sino ba naman ang mag-aakala na pwede pa lang gawing pangalan ang magkakasunod na letra ng alpabeto. Sa maniwala kayo’t sa hindi, ang pangalan ng lalaking ito sa viral Facebook post ay ABCDE AEIO.
Dahil sa pagiging kakaiba ng kanyang pangalan, kamakailan lang ay naagaw nito ang atensyon ng marami sa social media at agad naging trending. Pahayag pa ni ABCDE AEIOU tungkol dito,
“Sa mga nag PM po saakin about kay ABCDE AEIOU na kumakalat ngayon, ‘di po addict parents ko and higit sa lahat ‘di din po ako fake and di ako scammer…
“Ako po si Abcde Aeiou A. Mendoza. Nakatira sa Punta Santa Ana, Manila.”
Dahil sa pagiging kakaiba ng naturang pangalan, hindi na kataka-taka kung bakit marami ang naiintriga sa kung bakit ganito ang ipinangalan sa naturang lalaki. Ani pa ng mga ito, ano umano ang iniisip ng mga magulang ng naturang lalaki at ganito ang napiling ipangalan sa kanya.
Kaya naman, idinaan na lamang nito sa biro ang pagsagot sa mga ito at pati na rin sa mga nagdududa kung tunay niya nga ba itong pangalan. Bilang patunay, ibinahagi pa nito ang ilan sa kanyang mga ID’s kung saan, malinaw na nakasaad ang kanyang pangalan.
Sa ngayon, ang viral Facebook post na ito ni ABCDE AEIOU tungkol sa kanyang kakaibang pangalan ay umani na ng mahigit sa 23 000 na reaksyon at shares na mahigit sa 20 000 ang bilang.
Karamihan sa mga komento sa naturang Facebook post ay tungkol sa pagkamangha ng mga netizen sa pagiging masyadong kakaiba ng naturang pangalan. Heto pa ang ilan sa mga iniwang komento sa naturang viral post:
“Ang talino po ng parents n’yo. Bukod sa bukod tangi pangalan mo, nag-iisa lang din ‘to. Napaka-unique po.”
“Tatanong ko lang kung pano ka tawagin?”
“Ang hirap mong tawagin… Pano pagbigkas po?”
“Pag namali kapa jan... ewan ko lang!”
Dahil sa hilig ng karamihan ng mga Pilipino sa kakaibang mga pangalan, hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong bukod-tanging pangalan na umagaw sa atensyon ng maraming mga netizen.
Kung matatandaan, nitong taon lamang ay naging trending din ang pangalang ‘Covid Bryant’ na ipinangalan sa isang bagong silang na sanggol. Nang panahong iyon, balitang-balita ang pagpanaw ng NBA Legend na si Kobe Bryant at ang paglaganap ng COVID-19 mula sa China.
Dahil sa pagiging kakaiba at sa kakulitan umano ng dahilan sa likod ng naturang pangalan, pinagkaguluhan sa social media ang ang pangalang ito at umani ng nakakatawang mga reaksyon sa mga netizen.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment