Saturday, July 18, 2020

Iya Villania-Arellano, Nagsilang ng Isang Malusog na Baby Girl ( 4 Pictures )


Nito lamang Sabado, ika-18 ng Hulyo, nanganak na ang aktres at host na si Iya Villana. Matapos magkaroon ng dalawang anak na lalaki, sa pagkakataong ito ay isang baby girl naman ang isinilang ni Iya.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Drew Arellano ang unang larawan ng kanilang anak na si Baby Alana Lauren.

Bago ang panganganak, nagbahagi rin si Iya ng kanyang mga larawan habang nasa ospital. Bandang 4:37 ng madaling araw nang magbahagi si Iya ng update tungkol sa kanyang nalalapit na panganganak.

Ilang oras lamang ang lumipas nang muling magbahagi si Iya ng isa pang larawan nito matapos na ang panganganak. Dito, bandang 7:14 am, nagpasalamat si Iya sa Diyos dahil muli na naman umano nitong nalampasan ang isa pang panganganak.

“Delivery is hard. Thank you Lord for getting me thru that once again,” ani pa ni Iya.


Bumuhos naman agad ang mga pagbati para kina Drew at Iya para sa maayos at ligtas nitong panganganak. Marami ang lubos na natuwa dahil sa wakas, matapos ang dalawang lalaki ay isang babae na ang ipinanganak ni Iya. Kaya naman, kaliwa’t-kanan ang mga pagbati na natatanggap ng mga ito galing sa kanilang mga kaibigan, pamilya, at mga tagahanga.

Ilan sa mga artistang nagpaabot na ng pagbati para sa dalawa at kay baby Alana Lauren ay sina Solenn Heussaf, Anne Curtis, Bianca Gonzales-Intal, Isabelle Daza, John Prats, Camille Prats, Karylle Yuzon, Janine Gutierrez, Dingdong Dantes, at iba pa.

Ilang araw bago manganak ni Iya, sa isang ulat ay ibinahagi ni Drew na hindi kagaya ng mga naunang panganganak ng asawa, hindi niya na muna masasamahan ngayon si Iya sa delivery room. Ito ay bilang pagsunod umano sa bagong patakaran ng karamihan sa mga ospital sa bansa bilang pag-iingat at proteksyon mula sa kumakalat na pandemya.

“It's going to be different, because I can't just wait inside the car for her. But I can't be inside the delivery room either. So I have to stay in our room,” ani pa ni Drew.



Gayunpaman, sisikapin umano nila ni Drew na maibahagi sa publiko ang naging journey ng pagbubuntis at panganganak ni Iya. Para rin umano kasi ito sa mga nanay na gustong malaman ang mga gagawin sa sitwasyon ng pagbubuntis at panganganak.

Enero nang unang ianunsyo nina Drew sa publiko ang muling pagbubuntis ni Iya sa ikatlong pagkakataon. Bago ito, mayroon nang dalawang anak sina Drew na pawang mga lalaki.

Ito ay sina Antonio Primo na isinilang ni Iya noong Marso ng 2016 at Alonzo Leon na ipinanganak naman nito noong Agosto ng 2018.

Sampung taon ang itinagal ng relasyon ng celebrity couple na sina Drew, 40 taong gulang, at Iya, 34 taong gulang, bago tuluyang magpakasal noong taong 2014.


Isa ang relasyon at buhay pamilya nina Drew at Iya sa mga relasyon sa showbiz na pinaka sinusubaybayan at hinahangaan ng publiko. Hindi kagaya ng ibang mga relasyon at pagsasama, tahimik at masaya sina Drew at hindi katatandaan na nasangkot sa isang malaking isyu o kontrobersiya.

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment