Sunday, July 12, 2020

Lolit Solis, Suportado Ang Pagbabalik Showbiz Ni Kris Aquino


Sa Instagram post na ibinahagi ng batikang talk show host na si Lolit Solis, mayroon itong inilabas na pahayag at opinyon tungkol sa umano’y pagbabalik telebisyon ni Kris Aquino.

Matapos ang humigit-kumulang dalawang taon na pananahimik at pansamantalang pag-alis sa showbiz, ayon sa mga ulat ay magbabalik telebisyon na umano ang Queen of all Media.

Ang pagbabalik ni Kris sa showbiz ang umano’y isa sa pinaka-hinihintay ng publiko. Matagal na itong inaabangan ng puliko kaya naman, malaking balita ang umano’y tuloy na tuloy nang comeback ng Queen of all Media.

Kaugnay nito, sa isa sa mga Instagram post ni Kris ay mayroon itong ibinahagi tungkol sa naturang pagbabalik niya sa industriya. Sa nasabing Instagram post, makikita si Kris na pumipirma ng kontrata sa Cornerstone Entertainment. Ani nito,

“I was reminded by attorney @gideon.pena that the contract I signed had 3 paragraphs regarding CONFIDENTIALITY. So for now it’s just this video…


“I am allowed to thank my @cornerstone family for their patience & perseverance; thank you to NEW partners for their vote of confidence; thank you @jonathanvelasco__ ; thank you @rbchanco for the pics & video; thank you to me for the editing & choice of background music (Love Me Anyway by PINK); and THANK YOU to my FAMILY & all of you, my loyal FOLLOWERS for helping me pray for this moment to finally arrive.”

Katulad ng kanyang mga tagasuporta, maging si Kris ay mukhang hihintay na rin ang tuluyan niyang pagbabalik sa showbiz. Kaya naman, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat sa Cornerstone Entertainment sa pagpirma dito ng kontrata ni Kris..

Dahil dito, naglabasan din agad ang iba’t-ibang opinyon ng publiko tungkol sa pagbabalik ni Kris sa showbiz. Marami sa mga ito ang masaya at suportado ang pagbabalik ng umano’y pinakamagaling na host sa bansa. Hindi na umano makapaghintay ang mga ito sa pagbabalik ng nag-iisang Kris Aquino.

Maliban sa mga tagasuporta nito, isa rin sa mga nagphayag ng opinyon tungkol sa pagbabalik telebisyon ni Kris ay ang dating nakasama nito sa talk show na Startalk na si Lolit Solis.


Ani ni Lolit, sa tagal daw ni Kris na nawala sa showbiz, normal lamang umano na makaramdam ito kaba. Gayunpaman, kahit magsisimula umanong muli si Kris sa industriya ay positibo ito na marami ang matutuwa sa pagbabalik nito. Dagdag pa nito, marami umano ang sasalubong ng maluwag kay Kris.

“Balitang kinakabahan si Kris Aquino sa kanyang pagbabalik tv, Salve. Normal iyon dahil matagal siyang nawala, matagal hindi humarap sa kamera , siyempre parang nag-uumpisa pa lang uli…

“Pero knowing Kris na parang isda na pag itinapon sa tubig tiyak na lalangoy agad, kaba lang, pero for sure good performance agad ang ibibigay. Saka sa sobrang excitement ng lahat sa kanyang pagbabalik tv, tiyak na marami agad gusto makita iyon program niya…


“Yes, it is good to start again , Yes , it is good to rebuild again , and Yes , it is natural to be nervous , but for sure you will have a big welcome Kris,” pahayag pa ni Lolit.

Bago pa man maging bahagi ng ABS-CBN dati si Kris, kasama sina Lolit at Boy Abunda ay silang tatlo ang pinakaunang naging hosts ng talks show na Startalk na ipinalabas sa GMA. Ang Startalk ang itinanghal na umano’y longest-running entertainment news at talk show sa Pilipinas.

Source: KAMI
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment