Trending ngayon sa twitter ang larawan ng isang dambuhalang paniki galing umano sa Pilipinas na ibinahagi rito ng isang netizen.
Nito lamang ika-24 ng Hunyo, marami ang nagulat sa naturang larawan na ibinahagi ng twitter user na @AlexJoestar622.
“Remember when I told y'all about the Philippines having human-sized bats? Yeah, this was what I was talking about,” saad pa nito.
Sa larawan, makikita ang isang paniki na umano’y kasinlaki ng tao na nakalambitin sa isang kawad ng kuryente. Hindi naman dito isinaad kung saan ang eksaktong lugar na nakita ang paniki.
Marami naman ang nagulat sa naturang paniki dahil sa kakaibang laki nito. Ang nasa naturang larawan ay isa umanong giant golden-crowned flying fox na isang uri ng paniki.
Nilinaw naman ng naturang netizen na hindi bago ang naturang larawan at una na itong naging trending noong taong 2018. Sa ngayon, ang naturang tweet ay umani lang naman na ng mahigit sa 270 000 likes at mahigit sa 110 000 na retweets at comments.
Hindi maiwasan ng mga netizen na mamangha at matakot din sa naturang paniki dahil sa pambihira nitong laki. Maliban dito, mayroon ding iba na hindi naniniwalang totoo ang paniking nasa naturang twitter post.
Gayunpaman, heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen na nagpahayag ng pagkamangha sa naturang larawan:
“Just imagine this bat waking up and flying straight at you. I’d leave the country.”
“Dude that’s a vampire.”
“This bat is taller than me and [I’m] both horrified and impressed in equal measure.”
Bagama’t mayroong mga nagsasabi na ‘edited’ o hindi totoo ang paniki sa naturang larawan, mayroong mga patunay na totoo umano ang ganitong uri ng paniki.
Ayon sa ilang mga lehitimong ulat, ang giant golden-crowned flying fox ay isang uri ng paniki na nakikita sa Pilipinas. Ang pakpak nito ay maaari umanong umabot ng hanggang 5 talampakan at 6 na pulgada ang haba. Ayon mismo ito sa Bat Conservation International.
Ang ganitong uri ng paniki ay nakikita lamang sa mga hindi pa nasisirang kagubatan at kumakain lamang ng mga prutas. Mahalaga umano ang tungkulin na ginagampanan ng giant golden-crowned flying fox, o kilala rin sa tawag na golden-capped fruit bat, sa kagubatan.
Ngunit, dahil na rin sa talamak na panghuhuli nito at sa pagkasira ng kagubatan, maituturing na ito ngayong ‘endangered specie’.
Sa naturang twitter post, mayroon ding isang netizen na nagbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa naturang paniki. Saad nito,
“Heya, from the Philippines here. I can confirm this, they have a huuuuuge wingspan but the bodies are not really that big, more or less like the same body as a medium (bit smaller) sized dog. And yeah they only eat fruits, guavas most particularly. They're really gentle too…
“There are smaller ones hanging around trees and sometimes under roof eaves of some houses back in the provinces, these bigger ones hang around taller trees (but we rarely see them), at least the ones near our old house but last time I saw one in person was almost five years ago.”
Source: twitter
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment