Aminado ang karamihan sa social media lalo na ang mga kababaihan na gumagamit sila ng iba’t-ibang filter sa tuwing nagbabahagi ng kanilang mga larawan. Ngunit, mayroon pa ring iba na hindi maiwasang ikumpara ang mga larawang ito kapag tinanggal umano ang filter na ginamit dito.
Aminado man, hindi lahat ay kayang magbahagi ng kanilang mga larawan na walang anumang ‘edit’ na ginawa o ‘filter’ na ginamit dahil marahil sa pagiging mapanghusga ng mga tao.
Ngunit, iba ang netizen na ito na kamakailan lang ay matapang na nagbahagi ng kanyang larawan na walang anumang ‘filter’ at ‘edit’ at ikinumpara ito sa pangkaraniwan niyang larawan na mayroong filter.
Ayon sa netizen na ito, pagod na raw siyang magpaliwanag sa mga taong nagsasabi na hindi naman daw siya maganda sa tuwing walang ‘filter’ o ‘make up’ na inilalagay sa kanyang mukha.
“It took me so long to decide if I should post this pic coz I really don't have the confidence to show my real face.. (undefined eyebrows, chubby cheeks, red bumpy face, pale chapped lips, eyebags) & YES, this is the reason why I always used filter, putting my make up and not answering video calls…
“YUP GUYS, NADADALA LANG AKO NG NAPAKAGANDANG FILTER SA IG NA LAGI NYO SINASABIHAN NA "ANG GANDA MO"...
“OH DIBA SABI KO SAINYO WAG KAYO MAGPADALA SA MGA PICS KO SA SOCIAL MEDIA. :(((
“BASTA IMPORTANTE NAMAN DITO MABUTI TAYONG TAO,” ani pa ng netizen na ito.
Hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng mukha na pasado sa mapanghusgang lipunan kaya kadalasan, dahil sa marahil ay kawalan ng ‘confidence’ ay gumagamit ang mga ito ng filter, make-up, o iba pa.
Marami sa mga netizen ang naka-relate sa Facebook post na ito ng naturang netizen kaya naman, umani ito ng positibong mga komento kung saan, pinapalakas nito ang loob ng naturang nertizen.
Ayon sa mga ito, may make-up man o wala, gumagamit man ng filter o wala, maganda pa rin ito at ang iba pang mga kababaihan lalo na’t wala naman itong tinatapakang mga tao. Kung napapasaya nito ang isang tao, walang dahilan para itigil umano ang paggamit nito.
Napuno ng nakaka-inspire na mga mensahe ang naturang Facebook post na karamihan ay mga kababaihan na sinusuportahan ang bawat isa. Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 50 000 lang naman ang naaani na mga reaksyon ng post na ito na halos lahat ay positibo.
Heto pa ang ilan sa mga magagandang komento na ibinahagi ng mga netizen dito:
“May filter o wala MAGANDA TAYO SIS. bahala sila sa buhay nila. If masaya ka magpost ng picture mo na may filter go ahead basta importante masaya ka at wala ka naapakan na tao. Keep it up Beautiful.”
“You're still pretty even without makeup. Buti nga ikaw marunong mag make up. Meron kame na hnd nabiyaan ng ganda hnd pa marunong mag make up. Pero love yourself pa din!”
“No you are pretty, even without the use of filter & make up, sis! Work it!”
“Ok lang po yan ateng... Wala naman sigurong masama kung want natin gumamit ng filter or make up… Ang importante walang inaapakang tao.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment