Hindi naging maganda ang tugon ng publiko sa ibinahagi umanong rebelasyon kamakailan lang ni BB Gandanghari tungkol sa isang aktor na nakarelasyon daw nito dati.
Ang mga ito ay ibinahagi ni BB sa kanyang vlog. Dito, itinago ni BB ang mga karakter ng kanyang kwento sa mga pangalang Jonathan at David. Ang tinutukoy dito na David ay si Rustom Padilla o ang dating BB.
Sa kalaunan ng kanyang kwento, naging malinaw sa publiko na ang tinutukoy umano dito ni BB bilang si Jonathan na kanyang nakarelasyon ay ang aktor na si Piolo Pascual.
Ang paglalahad na ito ni BB ng naturang kwento ay hindi nagustuhan ng publiko dahil sa pagbanggit umano nito ng pangalan ni Piolo kahit na nananahimik ito. Ayon sa mga netizen, inia-out umano ni BB ang isang tao na nananahimik.
Kaugnay naman sa isyung ito, nagbigay ng pahayag si Paolo Ballesteros na kilalang miyembro at advocate ng LGBTQ+ Community.
Sa isang panayam, naitanong kay Paolo kung tama ba umano ang ginawang paga-out ni BB sa ibang tao o ang pagbubunyag nito sa sexual orientation ng iba. Sagot naman dito ni Paolo,
“Hindi!
“I would never out someone. I think no one has the right to.”
Bagama’t hindi ito sang-ayon sa umano’y maaaring ginawa ni BB kay Piolo, ayon kay Paolo ay baka raw hindi naman talaga ito ang intensyon ni BB. Dagdag pa nito, baka raw nagkataon lamang na naikwento nito ang naturang pangyayari.
“I don’t think BB purposely outed PJ [Piolo Pascual’s nickname] naman, kasi wala akong nakikitang mapapala niya if she outed him…
“She’s living her life happily sa U.S., at kung may nangyari man sa kanila or naging sila in the past, if it’s really true, then I don’t think there’s a problem with that at all.
“Baka naman naikukuwento niya lang, and I don’t really think that’s kiss-and-tell dahil napakatagal na nun,” ani pa ni Paolo.
Gayunpaman, kung totoo man talaga umano ang naturang kwento, wala naman umanong masama rito hangga’t wala silang natatapakang tao. Sa panahon ngayon, hindi na umano dapat na ginagawang malaking isyu ang katulad nito.
“Now, if she’s making up stories, that’s a very different story. Silang dalawa lang ang nakakaalam ng totoo…
“Saka 2020 na, #Lovewins na nga. Anyone can love whoever they want to. No question about that. As long as wala silang tinatapakan na ibang tao, gow!,” muli pang ani ni Paolo.
Maliban sa pahayag na ito, mayroon ding naging opinyon si Paolo tungkol umano sa pagiging napakalaking isyu pa rin sa publiko ng paga-out ng isang tao sa kanilang sexual orientation.
Ani pa nga ni Paolo kaugnay ng kwento ni BB, kung totoo raw talaga ang nangyari at kwento nito ngunit sinasabi ng naturang aktor na ‘straight’ ang kanyang sexual orientation, wala umano siyang nakikitang masama rito.
“Bakit isyu ang in-out? Bakit in-out, e, meron naman mga straight na lalake na nagkakarelasyon sa bakla? If he’s straight, wala naman sigurong problem,” saad pa ni Paolo.
Source: definitelyfilipino
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment