Sa isang Facebook post, inihayag ng netizen na si Maricar ang kanyang pagkakadismaya sa mga taong pinagtripan at pinagkatuwaan ang kanyang tiyuhin na hindi marunong bumasa at sumulat.
Sa kanyang Facebook post, makikita ang larawan ng quarantine pass ng kanyang tito kung saan, nilait nila ito at iniba ang pangalan na inilagay. Maging ang larawan ng kanyang tito ay pinaglaruan din ng mga ito.
Ngunit, dahil nga sa hindi ito nakakabasa ay wala itong kaalam-alam na pinagtripan ito ng gumawa ng kanyang quarantine pass. Kung hindi pa raw ito tiningnan ni Maricar ay hindi nito malalaman ang malaking kamalian na ginawa sa kanyang tito.
“Sobrang daming taong mapagsamantala ngayon. Porket hindi nakakabasa yung tao ganto bibigay nyong qurantine pass. Kundi ko pa tinignan quarantine pass na sinasabi nya di ko pa malalaman na pinagtripan nyo lang pala yung tito ko,” paghahayag pa ni Maricar.
Ayon sa netizen, imbes na gamitin umano ng mga ito ang kanilang kaalaman sa mabuting bagay, mas pinili umano nitong gamitin ito sa masama at ang kanyang tito pa ang napagtripan ng mga ito.
Inilabas dito ni Maricar ang kanyang galit sa mga ito dahil sa ginawa nilang kawalanghiyaan sa kamag-anak na wala man lang kaalam-alam.
“Alam nyo na hindi nakakabasa at hindi nya alam na nilalait nyo na sya sa quarantine pass na ginawa nyo sa kanya. Nasan po yung puso nyo? Sinamantala nyo yung tao. Nakakapag init ng ulo…
“If you have the knowledge then use it for educating and helping not for degrading and humiliating,” ani pa ulit ni Maricar.
Hindi naman malinaw kung ang tinutukoy rito ng netizen ay ang mismong taga-Barangay sa kanila na siyang responsable sa pamimigay ng mga quarantine pass. Ngunit, ang malinaw dito ay ang ginawang panlalait at pang-iinsulto ng mga ito sa isang tao.
Agad na naging viral ang Facebook post na ito ni Maricar at umani agad ng mahigit sa 150 000 reactions mula sa mga netizen. Kagaya ni Maricar, galit din ang mga ito sa ginawa sa tito ng netizen.
Dahil lamang sa hindi ito nakakapagsulat at marunong magbasa ay mayroon na silang karapatan na paglaruan at insultuhin ang isang tao. Imbes na sila ang maging gabay nito ay pnili nilang gamitin ang kanilang edukasyon sa panlalait.
Marami sa mga netizen na nagkomento sa Facebook post ni Maricar ay nais ipaabot ang nangyari sa programa ni Raffy Tulfo. Dapat umanong mapanagot ang nasa likod ng kawalang hiyaan na ito dahil wala namang ginagawa sa kanila ang tito ni Maricar para ipahiya nila ito ng ganun.
Hindi umano ginagawang biro lamang o katuwaan ang katulad nito dahil isa itong seryosong pamamahiya sa kapwa. Sa kaso ng tito ni Maricar, parang tinapakan na rin ng mga nasa likod nito ang kanyang pagkatao.
Kaya kapag napatunayan na kabilang sa mga opisyal o may pwesto sa barangay ang gumawa nito, mas dapat lamang silang na panagutin at kung maaari ay ipatanggal din daw sa pwesto dahil kailanman, ang panlalait at panlalamang sa kapwa ay hindi naging tama kahit ano pa ang posisyon o naabot nito sa buhay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment