Sa ikalawang bahagi ng reklamo tungkol sa isang nurse na umano’y nang-ahas ng mister ng kanyang pasyente, tinalakay ni Raffy Tulfo ang mga dapat gawin upang pagbayarin ang nurse sa kanyang ginawa.
Matapos ang ginawang pang-aagaw ng nurse na si Vera Mae Barrameda sa mister ng kanyang pasyente na si Rica de Vera, desidido si Rica na panagutin ang nurse sa batas.
Noong nalaman umano ng ospital na pinagtatrabahuan ng inirereklamong nurse ang kanyang ginawa, natanggal umano ito sa trabaho. Ngunit, matapos nito ay agad itong nag-apply sa ibang bansa ang nurse at agad lumipad doon.
Nasa Colorado sa U.S na ngayon si Vera Mae at doon nagtatrabaho bilang nurse.
Unang hakbang ngayon ng programa para mapagbayad ang nurse na ito ay ang paimbestigahan ito sa Professional Regulation Commission o PRC. Ayon kay Atty. Lovelike Bautista ng PRC, kahit na nasa ibang bansa na umano ngayon si Vera Mae ay maaari pa rin itong sampahan ng reklamo at tanggalan ng lisensya ng PRC.
“Ang jurisdiction po o ang regulatory authority ng PRC ay hindi territorial. So kahit po ‘yung nagawa niyang act ay sa labas ng bansa o dito sa loob ng bansa, maaari po siyang habulin noon pong mga na-agrabyado niya,” pahayag pa ng abogado.
Ayon kay Tulfo, kapag tuluyan na umanong natanggalan ng lisensya si Vera Mae dito sa Pilipinas, isusumite raw nila ito sa Colorado State Nursing Board. Malaki umano ang posibilidad na matanggal na rin ang lisensya nito doon sa Colorado.
Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, ang pinakamabuti umanong gawin ay sabay na patakbuhin ang reklamo rito sa bansa at sa Colorado. Kapag pareho raw kasing nagtagumpay ang mga reklamo para sa nurse, mapapauwi daw ito sa bansa at hindi pa makapagtatrabahong nurse dito.
“Tanggalan po natin siya ng license sa parehas dahil kapag natanggalan natin siya ng license abroad, mapipilitan pong ma-cancel ang work visa niya dahil wala na po ‘yung purpose for work niya po doon.
“‘Pag natanggal ‘yun at bumalik siya dito, ang nakaabang sa kanya ay kanselado na rin ang nursing license niya dito sa Pilipinas,” paliwanag pa ni Atty. Garreth.
Dagdag pa nito, nararapat umano itong gawin bilang proteksyon sa propesyon ng nursing dahil hindi umano pwedeng maging nurse ang ganoong klase ng tao.
Ayon naman kay Administrator Bernardo Olalia ng POEA, maaari umanong magsampa ang biktimang si Rica ng disciplinary action sa PRC at sa POEA. Ginagawa umano ito para madisiplina ng POEA ang mga OFW na mayroong nagawang hindi maganda katulad ng nurse na si Vera Mae.
“Binigyan mo ng sakit sa ulo ‘yung biktima mo, bibigyan ka [rin] namin ng sakit sa ulo kaya lang, ito ay through legal process,” ang pahayag naman ni Tulfo para sa nasabing nurse.
Maliban sa mga hakbang na ito ni Tulfo para mapagbayad si Vera Mae, nagbigay din ng tulong ang host para sa kaawa-awang si Rica na pinapalayas na umano sa kanyang inuupahan. Walang-wala na ito ngayon dahil nga hindi na nakikipag-usap dito ang kanyang mister at mayroon pa itong sakit.
Nangako dito si Tulfo na sasagutin ang kanyang renta sa bahay at maging ang kanyang pagpapagamot.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment