Saturday, November 28, 2020

'Hopia' ng Goin Bulilit, Engaged na sa Kanyang Longtime Boyfriend


Engaged na sa kanyang longtime boyfriend ang Goin’ Bulilit star na si Katrina Legaspi o kilala ng marami sa Goin’ Bulilit bilang si Hopia.

Ang magandang balita na ito ay inanunsyo ni Trina nito lamang Sabado, ika-28 ng Nobyembre. Engaged na ang aktres sa kanyang anim na taong boyfriend na si Ryan Jarina. Ayon kay Trina, si Ryan din umano ang kanyang ‘first and only love’.

“11/22/20 6 years together and forever!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can’t wait to marry my first and only love. 

“Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! Yey!! Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!!” pagbabahagi pa ng Goin’ Bulilit graduate. 

Sa mga larawang ibinahagi ni Trina, makikita na naging emosyonal ito sa kasiyahan nang magpropose sa kanya ang nobyo, na ngayon ay fiance niya na. Dagdag ani niya pa nga sa kanyang pahayag tungkol dito,

“Thank you Lord for giving me my destined partner. It’s worth the wait talaga! I love you fiancé!! Yes, fianceeee na.”

Bumuhos naman agad ang mga pagbati para kay Trina at sa fiance nito. Agad na nagpaabot dito ng pagbati ang ilan sa kanyang mga kapwa Goin’ Bulilit alumni na sina Julia Montes, Nikki Bagaporo, at CJ Navato.

‘You deserve it HOPS… congratulations wohoooooo!!!” pagbati pa nga rito ni Julia Montes na tinatawag ni Trina sa totoong pangalan nito na Mara.



Ilan pa sa mga celebrity na nagpaabot din ng kanilang pagbati para kay Trina ay sina Sue Ramires, Joyce Ching, Angeli Gonzales, Kaori Oinuma, Michelle Vito, at iba pa.

Isang linggo bago ianunsyo ang tungkol sa kanyang engagement, napag-usapan pa kamakailan lang nina Trina at ng mga magulang nito ang tungkol sa maaaring pagpapakasal niya at ng kanyang boyfriend.

Ito ay sa ginawa niyang vlog kasama ang kanyang mommy Minnie at daddy Ding. Naitanong dito sa kanyang mga magulang kung payag o handa na ba ito sakaling magpakasal na sina Trina o kung kailan nila ito gustong ikasal.

Ayon sa daddy Ding nito, tingin niya ay nasa tamang edad naman umano si Trina at mayroon na itong maayos na trabaho kaya payag na ito kung sakaling ikasal na ang anak. Paliwanag pa nito,


“Eh di… right age. Tapos ngayon ko lang na-feel na napakasarap pala ng may apo. So sa edad namin ni Mommy na senior citizen na nagkaroon ng apo, right time na palagay ko lalo pa’t kayo naman ay may hanapbuhay din na matatag. Tapos na kayo mag-aral…


“Kumbaga ang role ng isang magulang kasi, mapagtapos ang anak at masubaybayan hanggang sa siya’y magkaroon din ng pamilya. Dapat medyo bata bata pa ‘yung lolo para makasama niya ng matagal ang kanyang mga apo. Tapos kami naman, nakasubaybay, nakasuporta para maging successful ang marriage niyo ng iyong future husband.”

Sa kabilang banda, ayon naman sa mommy Minnie ni Trina ay gusto raw nito na sa 2022 pa sana ikasal ang anak dahil mayroon pa raw pandemya ngayon at sa tingin nito ay bata pa ang aktres.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment