Sa pamamagitan ng isang Facebook live nito lamang Biyernes, ika-27 ng Nobyembre, nagsalita at naghayag ng kanyang saloobin si Sojina Jaya Crisostomo para sa pagpanaw ng live-in partner nito at bokalista ng Slapshock na si Jamir Garcia.
“Hindi niya deserve ang nangyari sa kanya. Sinira siya ng mga taong inggit, pero hanggang sa huling hininga, kayo padin ang prinotektahan niya. Sinalo niya lahat ng paninira at pananakit niyo. Nakatanaw ang Panginoon sa ating lahat. Alam ko makakamit niya din ang hustisya,” saad pa rito ni Jaya.
Sa naturang video, tinukoy ni Jaya ang umano’y kontrobersiya na kinasangkutan kamakailan lang ni Jamir at ng banda nito. Dahil sa naturang isyu ay naibalita pa na idenemanda si Jamir ng kabanda nitong si Jerry Basco.
Hindi nito direktang tinukoy kung sino ang ibig nitong sabihin ngunit, ang mga taong ito umano ang dahilan kaya hindi na kinaya ni Jamir ang mga pekeng kwento tungkol sa kanya na kumalat at humihila dito pababa.
“Si Jamir ‘yung tipo na kahit na dinudurog ka ng tao, ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang ipagtanggol namin siya. Ayaw niya na madamay kami sa lahat ng problema niya. Kinimkim niya lang…
“Simula ‘nung lumabas ‘yung balita na ‘yun, nung unang araw pa lang… dinibdib niya lahat ng sakit na pinukol niyo sa kanya. Sa totoo lang, hindi niya iniisip ‘yung mga pinupukol sa kanya… ‘yung mga binibintang sa kanya, wala siyang pakialam na dun.
“Hindi niya lang po talaga matanggap ‘yung mga taong minahal niya, ‘yun pa iyong gumawa sa kanya ng ganun.
“Alam niyo kung sino kayo. Mahal na mahal kayo ni Jamir, pero ginawa niyo ‘to sa kanya,” emosyonal pang pagbabahagi ni Jaya.
Ayon sa kanya, matagal niya na raw sanang gustong ilahad ang katotohanan tungkol sa naturang isyu. Matagal niya nang gustong magsalita ngunit, si Jamir ang palaging pumipigil sa kanya dahil mas iniisip pa rin nito ang mga taong itinuring niyang kapatid ngunit ginawan lamang daw siya ng kwentong puro kasinungalingan.
“Nanahimik kami dahil ayaw namin ‘yung gusto niyo na pagpiyestahan at gawing circus ang buhay namin. Pero anong ginawa niyo? Nag-enjoy kayo. Nagpakawala kayo ng mga pekeng news. Gumawa kayo ng mga pekeng istorya para lang mahila niyo pababa si Jamir…
“Wala kayong konsensya. Di niya deserve ang ginawa niyo sa kanya,” mabigat pang pahayag dito ni Jaya tungkol sa mga taong hindi nito pinangalanan.
“Buong buhay niya, minahal niya lang ‘yung banda. Minahal niya lang kayo… Alam niyo ‘yun sa sarili niyo. Alam niyo ‘yun. Hindi siya mukhang pera. Pera niya, binibigay niya na nga sa inyo. Naging gahaman lang kayo kaya kayo nagkaganyan,” dagdag pahayag pa rito ni Jaya.
Masakit umano para kay Jaya na kahit sa huling hininga ng asawa ay mas inisip pa rin nito ang naturang mga tao at ang kanilang pinagsamahan.
“Gusto niya pa rin kayong protektahan kaya sinalo niya nalang nang sinalo ang lahat ng pinagbababato niyo sa kanya…
“Masaya na po ba kayo? Ito ‘yung gusto niyo ‘eh kaya niyo ginawa ‘yun, kaya kayo nagpalabas ng kung anu-ano. Sana masaya na kayo,” ani pa ulit ni Jaya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment