Sunday, November 1, 2020

Julia Barretto, Pinaringgan nga ba si Kim Chiu sa Kanyang IG Post?


Sa pinakabagong mga larawan na ibinahagi ni Julia Barretto sa Instagram, napansin ng mga netizens na mukhang patungkol umano kay Kim Chiu at sa sinabi nito sa It’s Showtime ang kanyang naging caption.

Kung matatandaan, ilang araw lamang ang nakakaraan ay naging trending si Kim matapos aksidenteng mabanggit ang pangalan ni Julia sa ‘Mas Testing’ na segment ng It’s Showtime.

Dito, isang parusa ang ipinagawa sa aktres kung saan, kailangan nitong i-like ang ilang mga larawan ng kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa Instagram. Habang inila-like nito ang mga IG post ni Gerald, mayroon itong nabanggit tungkol kay Julia.

“Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto,” saad dito ni Kim.

Matapos nito ay biglang natahimik ang mga host ng It’s Showtime na hindi inaasahan ang ginawang pagbanggit ni Kim ng pangalan ni Julia. Kaya naman, agad itong napasabi ng ‘sorry’ sabay pakita ng ‘peace sign’.

“Ay, bawal ba? Sorry,” dadag pa nito.

Dahil dito kaya nagtrending agad si Kim sa Twitter at pinag-usapan ng mga netizens ang pagbanggit nito sa pangalan ng kapwa aktres. Mahigit isang taon nang inuugnay ng publiko si Julia kay Gerald ngunit palagi nila itong itinatanggi.


Ayon sa mga netizen, mukhang ibinuking umano ni Kim ang hinihinalang relasyon ng dalawa base sa naging rekasyon nito at ng kapwa niya mga host sa programa.

Sa kabilang banda, matapos ang ginawang ito ni Kim ay siya namang pagbahagi ni Julia ng isang larawan sa Instagram. Dito, maraming mga netizen ang naintriga sa kanyang caption.

“Out here minding my own business,” ani pa rito ni Julia.

Agad napansin ng mga netizen na mukhang patama umano kay Kim ang naging caption na ito ni Julia. Sa comment section nga ng naturang IG post, panay ang pagbanggit ng mga ito patungkol sa ‘shady’ caption na ito Julia.

Heto ang ilan sa mga iniwang komento rito ng mga netizen:

“THE SHADE OF IT ALL. #UNBOTHEREDQUEEN”

“Now this is how you answer nosy people who love to drag your name and life just to make some noise. BOLD, FIERCE, & CLASSY!”

“QUEEN OF MINDING HER OWN BUSINESS AND NOT GIVING A F.”

“It’s the caption for me.”

“Yas queen! I love the subtle shade, though!”

Sa ngayon, mapapansin na tinanggal na ni Julia ang caption niyang ito sa naturang IG post na pinag-usapan ng marami.

Hanggang nagyon, sa kabila ng ilang beses na pagtanggi ni Julia, mayroon pa ring mga tao na pilit inuugnay si Julia kay Gerald. Muli pa itong nabuhay noong kumalat ang ilang mga larawan kung saan, nagbakasyon umano ang aktres sa private resort ni Gerald sa Zambales.


Unang naiugnay ang pangalan ng dalawa sa isa’t-isa matapos nilang magtambal sa pelikulang ‘Between Maybes’. Dahil dito kaya si Julia ang itinuturong rason daw ng hiwalayan dati nina Gerald at Bea Alonzo. 

Naging malaking kontrobersiya dati ang pagkalat ng mga larawan nilang dalawa ni Gerald na magkasama at ini-like pa mismo ni Bea. Dahil dito kaya si Julia ang itiunuturong third party sa hiwalayan ng dalawa at naging rason kaya ito inulan ng kabi-kabilang pambabash.

Source: kami

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment