Sunday, November 1, 2020

Willie Revillame, Ipinakilala sa Publiko ang Kanyang Nag-iisang Anak na Lalaki


Meet Juamee Revillame, ang bunso at nag-iisang anak na lalaki ng kilalang host na si Willie Revillame.

Sa kanyang game show na Wowowin, minsang ipinakilala ni Willie ang kanyang bunso at nag-iisang anak na lalaki na si Juan Emanuel o Juamee. Si Juamee ay ang anak ni Willie sa dati nitong asawa na si Liz Almoro.

Sa kanyang programa, partikular na sa segment na ‘Tutok to Win’, magiliw nitong ipinakilala ang anak sa kamera. Dito, nasilayan na ng publiko si Juamee kung saan, napansin pa nga ni Willie ang kakaiba raw nitong buhok.

“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame… Ba't ba ganyan ang buhok niyan naka-ganon? K-pop? Penge ngang brush, K-pop nga ko. Uso ba ngayon 'yan, K-pop?” ani pa rito ni Willie.

Sinubukan pang gayahin ng host ang buhok ng anak at nagpaabot dito ng isang brush. Tawang-tawa naman ang host habang sinusubukan sa sarili ang hairstyle ng anak.

Bagama’t hindi kita ang buong mukha ni Juamee dahil sa suot nitong facemask, maaaninag pa rin naman ng mukha nito lalo na sa kanyang mata.

Naikasal noon si Wil sa nanay ni Juamee na si Liz noong 2005. Buwan ng Marso ng nasabing taon nang mangyari noon ang kanilang civil rites sa Batangas kung saan, si dating Lipa City Mayor Vilma Santos pa ang nag-officiate sa naturang seremonya.

Matapos naman ang halos tatlong buwan, naganap ang kasal sa simbahan nina Willie at Liz sa Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City.



Ngunit, matapos lamang ang mahigit sa dalawang taon ay naghain ng annulment si Liz para sa kanilang kasal ni Willie. Napagbigyan naman ng korte ang annulment na ito ni Liz kaya tuluyang napawalang bisa ang kasal ng dalawa.

Ayon naman noon kay Willie, hindi niya umano inasahan na maghahain ng annulment ng kanilang kasal si Liz. Bagama’t tuluyang naghiwalay, alam ng host na magkakausap pa rin sila ng dating asawa dahil sa kanilang anak.

Dalawang taong gulang pa lamang noon si Juamee nang tuluyang maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Willie at Liz. Gayunpaman, ipinangako noon ni Willie na nadyan pa rin siya para sa kanyang anak. 

“Nandito ako at ama ako niyan. Kahit anong obligasyon ko doon sa bata, gagampanan ko 'yan. At sa kanya [Liz], magiging masaya na ako at masaya na siya,” pahayag pa noon ng host.

Matapos ang relasyon nito sa host ay muli nang nakapag-asawa si Liz. Napangasawa nito ang isa ring showbiz personality at aktor na si Victor Aliwalas.

Samantala, kilala si Willie bilang isa sa pinakamayamang tao sa showbiz at pinakamatulungin din. Kilala ang host sa pagbibigay ng naglalakihang papremyo sa kanyang programa at sa pagkakaroon nito ng mabuting puso para sa mga mahihirap.


Ilan sa mga kilalang naging gameshow nito ay ang Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Sa ngayon, ang kanyang gameshow na Wowowin ay inaabangan ng marami dahil sa naglalakihang papremyo rito at sa dala nitong good vibes sa kanilang mga manonood.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment